MATABIL
ni John Fontanilla
TRENDING sa social media ang bagong post na litrato ni Kim Rodriguez sa kanyang IG account na kamay lang nito ang tumatakip sa dibdib.
Iba’t iba ang reaksiyon ng mga netizen na nakakita ng litrato ni Kim, may mga nagsabi ng, Dyosa, Hot, Pa-sexy na, daring atbp.
Ang pictorial ay pa-birthday ni Kim sa sarili na nagdiwang ng kanyang 27th birthday noong Aug. 14. Parte ito ng kanyang maturity at isa sa kanyang wishlists.
Ayon kay Kim, ”I’m 27 na kaya keri ko na magpalitrato na medyo sexy, isa kasi sa wishlist ko ‘yung mag-photo shoot ng sexy katulad niyong ibang mga sikat na Hollywood stars. At saka birthday ko naman pagbigyan n’yo na ako.
“Naisip ko kasi na habang bata pa ako at sexy pa-try ko na kaysa naman kung matanda na ako at saka ako magpo-post ng sexy. Ayaw ko naman.”
Dahi sa sexy pictorial, marami ang nagtanong kung handa itong tumanggap ng daring role at mag-topless sa isang proyekto.
“Wala namang problema ang pagtanggap ng daring na role sa isang proyekto lalo kung maganda at kailangan talaga, bakit hindi ko gagawin?
“’Pag artista ka at tinanggap mo ‘yung proyekto dapat walang arte- arte, isipin mo na lang trabaho lang ‘yun.
“’Yung pagta-topless naman katulad ng sinabi ko if kailangang-kailangan talaga, importante at sa ikagaganda ng pelikula bakit naman hindi. Mahal ko ‘yung trabahong pinasok ko at nasa tamang edad na naman ako kaya keri ko na ‘yan,” lahad pa ni Kim.