SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AMINADO si Congressman Alfred Vargas na passion at first love niya ang acting. Subalit ang pagiging public service niya ay tila nakatadhana.
Sabi nga ni Alfred, ”It’s my vocation (public service). Simple lang naman ang reason kung bakit ako artista at kung bakit ako public servant. In both fields, I just want to inspire people in my own unique way. In that sense, I can create positive change. That’s my personal mission.”
Priority niya ang public service kaya naman limitado ang ginagawa niyang serye o pelikula. ”I can’t really accept roles that require prolonged stay sa lock-in taping. Siyempre hindi pwedeng maapektuhan ang paglilingkod ko sa tao. Public service is my utmost priority. Pero ‘pag maayos ang latag ng schedules, ‘pag maganda at substantial ang role, walang conflict. Acting and public service are already engraved in my heart. Hindi na siya trabaho para sa akin. I am blessed to have the opportunity to be in both fields.”
Samantala, marami ang nakakapansing artistahin ang tatlo niyang anak. Kaya naman natanong ang actor/politiko kung papayagan niya ang mga ito sakaling pasukin din ang pag-aartista.
“Oo naman, napakalaking parte ng buhay ko ang pagiging artista, ‘yan ang bumuhay sa pamilya ko. Pero I always tell them na never ko silang pipilitin kung ano man ang gusto nilang landas na tahakin. Malaki ang maitutulong ko if they become interested in this industry at lagi ko silang susuportahan and I’ll be the proudest father.
“Actually, I see potential sa tatlo when it comes to the arts. Si Ching, ‘yung panganay ko, has the eye sa photography. Si Aryana naman loves performing. At ‘yung bunso ko, si Cristiano, laging ginagaya ang mga pinanonood namin sa Netflix.
“One time nga ginaya niya si Joey sa ‘Friends,’ tawang-tawa kami. Mahalaga ang love and passion for the arts kahit hindi nila gawing profession. Art feeds your soul.”