HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NGAYONG nagawa na niya ang isang mapangahas na papel sa Revirginized, mukhang nagsisimula ng maging kampante si Sharon Cuneta na makagawa pa ng mga out-of-the-box characters.
At masasabi ngang pinag-aaralan na rin nito kahit ang mga makakasama niya sa mga susunod niyang proyekto.
Nag-shout siya sa mahusay na aktor na si Jerald Napoles. Bilang sagot sa post nito na ipinahayag din ng aktor ang pagiging paborito nila ng kanyang ina sa aktres.
“This is SO TRUE. I have been a fan of Jerald Napoles @iamjnapoles since I watched him in a stage musical with my sister @pinaypole Ciara Sotto! Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko sya makasama sa work. Now naka-put-in na officially ang request ko kay Direk Daryll Yap @vincentimentsofficial @direkdarrylyap at ipinaaalam ko po sa @vivamaxph @viva_films @starcinema @abscbn @erikmatti @dondonmonteverde at sa buong mundo! Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si @kimsmolina rin napakahusay sana makasama ko din sya! Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you and Kim, Jerald!️️️ Repost from @gens_jackie.bohol”
Natuwa ba kayo sa katauhan ni Carmela sa Revirginized?
Ini-imagine ko na kung may Sharon and Jerald movie. Sigurado, riot!