Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Prats Makulay ang Buhay 
Camille Prats Makulay ang Buhay 

Camille muling magpapaganda ng umaga ng netizens

Rated R
ni Rommel Gonzales

TIYAK na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula August 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na  Makulay ang Buhay kasama sina ‘Mom C’ Camille Prats, Benjie, at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.

Hatid ni ‘Mom C’ Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan.

Tampok din sa Makulay ang Buhay ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety, at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?  Sagot  na ‘yan nina ‘Mom C’ Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat.

Kaya naman, gumising na nang maaga at makisaya Kina ‘Mom C’ Camille, Benjie, at Penpen sa Makulay ang Buhay tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m., simula August 21 sa GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …