ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Marlo Mortel na nami-miss na niya ang pag-arte sa harap ng camera. Pero aminado siyang sa ngayon ay mas naka-focus siya sa kanyang singing career.
Aniya, “Siyempre nami-miss ko rin ang pagsabak ulit sa acting. I guest soon ay makikita nyo rin ako, back into acting.
“Pero I’m very vocal about it, sa singing talaga ang focus ko ngayon dahil it’s my first love. And I’m very happy with PolyEast Records. Actually, very busy ako ngayon with my music. I just released a new single, it’s called Bituin. It’s a song that I wrote about finding your inner peace and happiness…
“Itong song na Bituin, para ko talagang… it’s my baby, talagang tinutukan ko ito nang sobra-sobra. Ako yung nagsulat ng song, up to the arrangements, up to the music video, everything, lahat. I want it to be me.”
Sa aming huntahan, nabanggit din niya ang naging inspirasyon sa kantang Bituin.
“I don’t know if some of you are familiar na before Bituin, I released a song called Mahina, mga three months ago at doon ko idiniscribe ang mga naging experience ko sa anxiety. And I guess maraming makaka-relate sa mga nakaranas ng mental health problems, that’s why I find it very important to take time and have a self realization, hindi ba? And then from thereon, we could gain strength from our weaknesses.
“Itong Bituin after ng Mahina, ito yung nahanap mo na yung sarili mo kung saan ka talaga magiging masaya,” sambit pa ni Marlo.
Ayon pa sa versatile na singer/songwriter/aktor at TV host, iba-iba ang simbolo o kahulugan ng kanta niyang Bituin sa ibang tao.
Esplika niya, “Tama, kasi noong ipinarinig ko sa ibang tao, for example kay Jojo Bragais, yung maker ng shoes ng Miss Universe, parang ang feeling niya ang bituin na mahiyain is somebody na gustong-gusto mo pero hanggang tanaw ka na lang.
“Pero ako naman, ang meaning ko kasi sa Bituin is tayo iyon, it’s our inner being. So, if ever na minsan ay natatabunan man tayo ng darkness, tayo pa rin ang makapagde-decide. If you want to be happy, if you want to be strong, if you want to move on… Kaya ko nasabi na bituing mahiyain, minsan ang possitivity sa atin ay mahiyain eh, mas madalas na parang we dwell on negativities. Pero kahit mahiyain yung bituin na iyon, it will still shine, you just have to know how to be more in touch.”
Speaking of hanggang tanaw na lang, may experience ba siyang ganito?
Aniya, “I think marami naman tayong ganyang experience, may mga crush tayo, alam mo iyon? May mga taong they’re out of our reach, pero minamahal pa rin natin sila or hindi nila tayo mahal pero minamahal pa rin natin sila. I think that’s just life, hindi ba? Sometimes you just can’t get what you want, kaya isa na lang siyang bituin.“Or another interpretation is, puwedeng nanggagaling yung strength mo sa ibang tao. For example, I could consider my mom as my Bituin, it’s her third death anniversary next month-sa August 24. So, she also serves as somebody who was able to guide me, growing up. So, up to now, iyong mga iniwan niya sa akin ay nai-a-apply ko pa rin and just like a star, I know she’s up there, watching over me.”
Ano ang most memorable sa lahat ng experience niya, na kasama ang kanyang dad at mom? “Hindi ko siya masabi na isa lang, marami siya, eh. Pero mostly yung mga nangyari when I was younger.“Kasi we were living a simple life talaga back then, as in sobrang simple lang ng buhay namin back then. Pero I never really consider it na parang may kulang, kulang sa budget or whatever. Kasi parang we were full, kasi maraming memories ko noong bata ako na even though life was really hard, hindi nila iyon ipinaramdam sa akin. Kasi nga, they blessed me with so much happiness every time. Kahit magpunta lang kami sa mall or magkakasama lang kami sa car, we were so happy.”
Gaano niya nami-miss ang kanyang mother na namatay sa cancer, about three years ago na?
“Yes oo naman, everyday I missed her, pero that’s just life, eh. You can’t fully dwell on that loss, you just have to gain strength from it, na ma-realize mo na of course she also wants us to move forward with our lives and she also wants us to be happy.
“So, definitely ay hinding-hindi namin siya malilimutan, her spirit will live on forever. But lahat ng values na inutinuro niya sa amin will always remain. So, parang kasama na rin namin siya.”