MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Sylvia Sanchez sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanya.
Bukod sa nominasyong Movie Actress of the Year sa 36th Star Awards For Movies para sa Jesusa, nominado rin siya sa 34th Star Awards For Television bilang Best Drama Actress para sa Pamilya Ko.
Dagdag pa rito ang muling pagpirma nito ng panibagong kontrata sa Beautederm ni Rhea Anicoche Tan (CEO/President) na nagse-celebrate ng kanilang ika-12 anibersaryo.
At ang pinaka-latest, ang pagiging bahagi ng lumalaking pamilya ng Bench, na makikita ang naglalakihang billboard.
Regular din napapanood si Sylvia sa top rating teleserye ng ABS-CBN, ang Wag Kang Mangamba bilang si Barang.
At sa dami ng blessings na dumarating kay Sylvia, pasasalamat ang gusto niyang ibalik sa Diyos at sa mga taong naniniwala sa kanya at kumukuha sa kanyang serbisyo.