ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang young actor na si Bamboo B. na hindi siya halos makapaniwalang may pelikula siyang nakapasok sa Indie Nation section ng 17th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Ito ang pelikulang Pugon ng RemsFilm na pinagbibidahan nina Andrea del Rosario at Soliman Cruz. Kasama rin sa pelikula sina Jhassy Busran, Cassie Kim, Sheena Lee Palad, Edmond Santiago, at Carmen Del Rosario.
Mula sa pamamahala ni Direk Gabby Ramos, nagsimula na itong mapanood last August 7 at magpapatuloy hanggang September 5, 2021, via streaming sa KTX.ph.
Pahayag ni Bamboo, “Super-proud po ako, masayang-masaya at excited na naging part kami ng Cinemalaya. I was really surprised noong nalaman ko po na nakasama po kami sa Cinemalaya. Like, dati kasi, I just want to be a part of Cinemalaya at pumila ako for audition po last last year sa Cinemalaya.
“Tapos ngayon po yung ginawa naming project is naging part po ng Cinemalaya, so parang dream come true po ito. I’m very happy po talaga.”
Inusisa namin si Bamboo kung ano ang role niya sa pelikula?
Wika ng 15 year old na guwapitong binatilyo, “Ako po si Gibb sa Pugon film namin, ako po ay tauhan ni Tito Soliman Cruz na may-ari ng pagawaan ng tinapay. Ako ang utusan niya sa lahat ng transaction outside the bakery at naglalako ng tinapay sa araw-araw. Malupit po sa amin ang boss namin dito na si Tito Soliman po.”
Ang Pugon ang fourth movie ni Bamboo. Una ay ang AEIOU, The Vowels of Life, sumunod ang Genius Teens series, at ang latest ay ang soon to be relased na Caught in the Act na tinatampukan ng Kapuso actor na si Joaquin Domagoso at Andi Abaya-na naging Pinoy Big Brother first runner-up.
Si Bamboo ay incoming Grade 9 student sa Jose Rizal University. Bukod sa pagiging actor, isa siyang mahusay na singer/recording artist at kung mabibigyan ng magagandang break ay tiyak na hahataw ang kanyang showbiz career.