SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TULOY na tuloy at wala nang atrasan ang pagtakbo nina Sen. Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa susunod na eleksiyon.
Ani Ping,”Noon nabasa na ‘yung sakong namin, ngayon hanggang tuhod na ‘yung basa naming dalawa, tuloy-tuloy na ‘to, we’ve gone far and deep into the ocean so to turn back, parang medyo mahirap nang isipin.
“I have a commitment to my partner that come hell or high water, talagang itutuloy na namin to,” giit pa ni Ping.
Ibinunyag kamakailan ng presidential aspirant na may inialok siyang ‘unification formula’ kay Vice President Leni Robredo para sa susunod na halalan subalit tumanggi umano ito.
“I offered her a sure unification effort or formula to unite in the end. There was resistance. I won’t discuss the details, pero yun ang nakikita ko talaga,” ani Lacson sa panayam sa kanya sa ANC.
“She resisted. Hindi siya sold doon sa idea but it was a sure formula for putting up, at least between the two of us, a common candidate but unfortunately, she didn’t buy it,” sambit pa ni Ping.
Pakiramdam ni Ping, bukas pa rin si Robredo sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022.
Iginiit din ni Ping, hindi niya aabandonahin si Tito Sen!