Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Paalam Galal Yafai
Carlo Paalam Galal Yafai

Carlo Paalam tuluyan nang nagpaalam sa gintong medalya

TOKYO – Yumuko si Carlo Paalam kay Great Britain’s Galal Yafai sa men’s flyweight final ng boxing sa Tokyo Olympics nung Sabado para mabigong sungkutin ang gold medal at magkasaya na lang sa silver medal sa edisyon ng Olympic Games na kung saan ay nagpamalas ng pinakamandang performance ang ating mga boksingero.

Maganda ang naging panimula ni Paalam pero higit na maraming sorpresa ang ipinakita ng British fighter sa kanyang kamao.

Nagpakawala ng apat na suntok si Yakai na sinundan ng right jab-left straight para pabagsakin si Paalam sa nalalabing isang minuto at 48 segundo sa first round.

Bagama’t nakasalba si Paalam sa nasabing round, hilo pa ito sa sumunod na round para pumuntos pa si Yafai samantalang naghahabol ng puntos ang 23-year-old na taga Cagayan de Oro City.

Nakabawi ng hangin si Paalam sa second round, pero mabilis si Yafai sa kanyang mga jabs para mapanatili ang tikas.  Ibinigay ng mga hurado ang 2nd round kay Paalam maliban sa isa mula Peru na pumabor sa British boxer.

Sa 3rd round ay tipong nakabawi na nang husto si Paalam pero naging mautak na sa laro si Yafai na dumistansiya na sa bakbakan at umiwas na nang umiwas sa atake ni Paalam.

Bagama’t bigo si Paalam na masungkit ang gintong medalya, tinatayang ito pa rin ang pinakamagandang performance ng mga Pinoy sa Olympics sa pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz ng unang ginto ng bansa sa women’s -55 kgs sa weighlifting.

Ang silver ni Paalam ay ang ikalawa para sa Pilipinas—at maging sa kampanya ng boxing—pagkaraang masungkit ni Nesthy Petecio ang silver sa women’s featherweight.  Si middleweight Eumir Felix Marcial ay nag-uwi ng bronze mula rin sa boxing.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagbbigay ng lakas sa akin at naabot ko ang pangarap ko, first time kong nakalaro ng Olympics sa ganitong edad ko,” sabi ni Paalam. “Halos lahat ng mga magagaling nandito, mga second time Olympian, mga ilang taon nang naging Olympian … ako papasok pa lang.”

Sa edad na  23,  malayo pa ang mararating ni  Paalam sa  boxing.  Pero sa kasalukuyan ay nanamnamin na muna niya ang kanyang tinamong karangalan sa Olympics.

“Itong medal na ito ay simbolo ng buhay ko. Isa akong mangangalakal at itong medalya ay gawa sa mga sirang gadget po,” sabi niya. “Sa basura siya galing, kaya nai-connect ko po siya sa buhay ko.”

Dagdag pa ni Paalam: ‘Yan po ang pinanghugutan ko para makuha ko ito. Nagpapasalamat po talaga ako sa Panginoon kasi nabago po ang buhay ko dahil dito sa medalya na ito.”

Pinuri ni Association of Boxing Alliances in the Philippines President Ricky Vargas ang apat na Filipino boxers sa  Tokyo, kasama si women’s flyweight Irish Magno, sa kanilang naging accomplishment.

“My gratitude to team ABAP—four boxers going home with two silvers and one bronze, we’re very proud of all of you,” Vargas said in a statement. “Sumbag Pinoy! Salamat sa lahat ng supporta PSC [Philippine Sports Commission], POC [Philippine Olympic Committee] at MVP Sports Foundation.

“Without your support, we could have not achieved this level of performance. Sana nandyan pa kayo in the future,” dagdag ni Vargas. (PUBLIC COMMUNICATIONS OFFICE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …