HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NA-MISS ko ang mga eksena ni Alfred Vargas sa bagong simulang serye ng Kapusong Legal Wives gabi-gabi.
Pinatay na pala agad ang karakter niya.
“Happy ako kasi kahit maikli pero markado ‘yung role at heroic. I only appeared in ‘Legal Wives’ for around three days. Maganda rin ‘yung death scene ko with direk Al Tantay and Dennis (Trillo). Marami ang pumuri. Nakatataba ng puso.”
Pero maraming patuloy na naghahanap sa kanyang mga manonood.
“Maraming nagulat kasi bakit daw nawala agad ang character ko? Kinabukasan ang daming nag-message sa FB and IG ko na sana raw mas tumagal pa ako. I explained to them na hanggang doon lang talaga because hindi ko kaya ang matagalang lock-in taping na 3-4 weeks. I need to take care of district 5, QC. Public service comes first. Kaya weekend lang ako nakakapag-taping for three days. Siguro next year pa ako makatatanggap ng full-time roles kapag tapos na ako sa term ko as congressman.”
Maikli man, masaya ang aktor at public servant.
“I’m very grateful sa GMA7 for the role they offered me. Natuwa rin ako sa pagganap sa ‘Legal Wives.’ Nakaka-miss ang acting talaga. It will always be my passion.”
Unang pagkakataon ng pakikipag-trabaho kay direk Zig Dulay. Kumusta ‘yun?
“Direk Zig is a brilliant director. Tahimik siya sa set but he knows what he’s doing. It’s a pleasure and honor to work with him.”
Natutuwa naman ang mga constituent nila sa ikalimang Distrito sa Lungsod ng Quezon. Iba ang tandem nila ng kapatid na si PM Vargas sa kung ilang taon ng pag-aalaga sa mga ito. Lalo sa pagharap sa mga suliranin sa bawat araw.
“Everyday ang relief operations namin. Pagbibigay ng gamot at ayuda sa mga tao. Since nagkaroon ng pandemya last year. Kaya, natutuwa kami at hindi kami nauubusan ng donors at partners. Kaya, the spirit of Bayanihan lives on in our District.”
At pagdating sa mga tanong tungkol sa mga plano sa politika, simple ang sagot ng butihing Congressman.
“We don’t feel comfortable talking about politics at this stage kasi sa October pa naman ang filing. Focus muna kami 100% sa pagtulong sa tao ngayong pandemic. Kawawa talaga mga tao dahil naghihirap sila. They need every help they can get. Providing relief and assistance to them is our first priority. At saka na ang politika.”
Kaya wait din lang ang pelikula.