Saturday , December 2 2023
Alfred Vargas Family
Alfred Vargas Family

Alfred payag mag-artista ang 3 anak

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Congressman Alfred Vargas na passion at first love niya ang acting. Subalit ang pagiging public service niya ay tila nakatadhana.

Sabi nga ni Alfred, ”It’s my vocation (public service). Simple lang naman ang reason kung bakit ako artista at kung bakit ako public servant. In both fields, I just want to inspire people in my own unique way. In that sense, I can create positive change. That’s my personal mission.”

Priority niya ang public service kaya naman limitado ang ginagawa niyang serye o pelikula. ”I can’t really accept roles that require prolonged stay sa lock-in taping. Siyempre hindi pwedeng maapektuhan ang paglilingkod ko sa tao. Public service is my utmost priority. Pero ‘pag maayos ang latag ng schedules, ‘pag maganda at substantial ang role, walang conflict. Acting and public service are already engraved in my heart. Hindi na siya trabaho para sa akin. I am blessed to have the opportunity to be in both fields.”

Samantala, marami ang nakakapansing artistahin ang tatlo niyang anak. Kaya naman natanong ang actor/politiko kung papayagan niya ang mga ito sakaling pasukin din ang pag-aartista.

“Oo naman, napakalaking parte ng buhay ko ang pagiging artista, ‘yan ang bumuhay sa pamilya ko. Pero I always tell them na never ko silang pipilitin kung ano man ang gusto nilang landas na tahakin. Malaki ang maitutulong ko if they become interested in this industry at lagi ko silang susuportahan and I’ll be the proudest father.

“Actually, I see potential sa tatlo when it comes to the arts. Si Ching, ‘yung panganay ko, has the eye sa photography. Si Aryana naman loves performing. At ‘yung bunso ko, si Cristiano, laging ginagaya ang mga pinanonood namin sa Netflix.

“One time nga ginaya niya si Joey sa ‘Friends,’ tawang-tawa kami. Mahalaga ang love and passion for the arts kahit hindi nila gawing profession. Art feeds your soul.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbara Milano

Barbara Milano naiyak sa pagbabalik-showbiz

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang …

Vice Ganda

Vice Ganda nagpa-powertrip

HATAWANni Ed de Leon MASYADO na bang powerful, o matindi ang power trip ni Vice Ganda at …

Kelvin Miranda Darryl Yap

Kelvin Miranda pumiyok sa blind item ni Darryl

HATAWANni Ed de Leon ARAY, pumiyok ang male starlet na si Kelvin Miranda sa blind item ng …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel kay Kathryn — ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan

SAMANTALA, matapos kompirmahin ni Kathryn Bernardo ang lbreak-up nila ni Daniel Padilla, ang aktor naman ang nag-post ng …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Kathryn kinompirma hiwalay na sila ni Daniel

BINASAG na ni Kathryn Bernardo ang kanyang pananahimik. Inamin nitong hiwalay na sila ni Daniel Padilla. Idinaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *