NAGSIMULA na noong August 1, ang Philippine’s Top Grossing Streaming App, ang VIVAMAX na patuloy na pinalalawak mula Middle East at Europe, at ngayon sa Singapore, Hongkong, Japan, at Malaysia.
Sa pamamagitan nito, mararanasan na ang total Pinoy Movie entertainment na hatid ng Vivamax sa Asya. Nariyan ang mga Vivamax Originals tulad ng Nerisa na pinagbibidahan ni Cindy Miranda, mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Lawrence Fajardo; Revirginized, na idinirehe ni Darryl Yap at pinagbibidahan ni Sharon Cuneta; at Ikaw at Ako at Ang Ending, nina Kim Molina at Jerald Napoles na idinirehe ni Irene Emma Villamor.
Pwede rin nilang panoorin ang mga concert nina Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli and Asia’s Songbird Regine Velasquez at TV shows nina Multimedia Superstar Anne Curtis and Kakaibabe and Social Media Sweetheart and Social Media Sweetheart.
International din ang sulit dahil napaka-affordable ng Vivamax monthly subscription. Sa Singapore, SGD 13.50; Hong Kong, HKD 77.00; Japan, JPY 1,080.00; at sa Malaysia, RM 39.90. I-download lang ang Vivamax app sa Apple, Google at Huawei para makapag-register sa monthly subscription.
Kung bitin naman ang 1 month, maaari ring pumili sa 3 months, 6 months, at 1 year subscription plans ng Vivamax. Pumunta lang sa web.vivamax.net at piliin ang subscription na sakto sa iyong viewing habits. Maaari ring gamitin ang Viamax vouchers para mag-subscribe online.
At maaari ring i-Share to the Max ang Vivamax subscription hanggang sa 12 registered devices, para anytime at anywhere, pwedeng mag-movie trip to the max! Pumunta lang sa web.vivamax.net at pumili ng Share to the Max plan na swak para sayo.
Kaya sa August 1, maghanda na para sa total Pinoy Movie experience sa Singapore, Hong Kong, Japan, at Malaysia, na ihahatid ng No. 1 Pinoy Movie streaming app, Vivamax!