I-FLEX
ni Jun Nardo
SOLVED na ang problema sa venue ng TV special this Sunday ng isang shopping app na ineendoso ni Willie Revillame.
Inanunsiyo ni Willie sa show niyang Tutok To Win na gaganapin ang special nang live sa Linggo sa Clark City sa Pampanga.
Pero ipinagdiinan ni Willie na nakiusap siya sa mga government official, Inter-agency Task Force at iba pa kaugnay ng special. Nangako siyang susundin ang lahat ng ipinaiiral na protocols habang bago at habang ginaganap ang special.
Binawalan kasing mag-stage ng live show sa NCR dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine.
Ayon pa kay Willie, tuloy pa rin ang co-hosting ni Kris Aquino na pamamahalaan ang isang segment ng programa at may iba pang guests.