Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Alfred Vargas Legal Wives 
Ashley Ortega Alfred Vargas Legal Wives 

Ashley kinainisan ng viewers; Death scene ni Alfred iniyakan

Rated R
ni Rommel Gonzales

KABI-KABILA ngayon ang natatanggap na papuri ng Legal Wives mula sa viewers at netizens.

Maliban sa natatanging kuwento ng serye na tumatalakay sa kultura at buhay ng mga Mranaw, maraming manonood din ang humanga sa nakakadala at mahusay na pagganap ng cast sa kani-kanilang mga karakter.

Isa na riyan si Ashley Ortega na gumaganap bilang si Marriam, ang anak ni Mayor Usman (Mon Confiado) na magiging dahilan ng rido o ‘clan war’ ng kanilang pamilya at ng pamilya ni Ismael (Dennis Trillo).

Kahit na kinaiinisan ng viewers ang karakter, marami ang humanga kay Ashley sa kanyang epektibong pagganap bilang kontrabida.

“Ang galing-galing ni Ashley Ortega. Kuhang-kuha niya ang pagiging duplicitous at scheming ng character ni Marriam!”

Samantala, tuluyan na ring nagpaalam ang karakter ni Alfred Vargas sa serye na si Nasser, ang nakatatandang kapatid ni Ismael at asawa ni Amirah (Alice Dixson).

Maraming viewers naman ang naantig sa emosyonal na death scene ni Nasser na nabaril sa gitna ng rido.

“Lakas ng ulan, sumabay sa pag-iyak ng kalangitan nang nawala si Nasser.”

Sa isang panayam, inamin ni Alfred na may iba pa siyang prioridad kung kaya’t hindi siya pwede magtagal sa lock-in taping ng Legal Wives.

Sa kabila ng maiksi niyang partisipasyon sa serye, proud si Alfred na naging bahagi siya ng serye.

“I’m happy naman kasi maganda ‘yung ‘Legal Wives.’ Nakita ko ‘yung video, cinematic talaga, parang epic nga. So, I’m really proud to be part of that project.”

Tutok na sa Legal Wives pagkatapos ng The World Between Us gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …