BULABUGIN
ni Jerry Yap
MUKHANG nagbubunga ang mga pagsisikap ni dating Speaker Alan Peter Cayetano dahil maging sa vice presidency ay humahataw na rin ang kanyang pangalan sa latest na isinagawang survey ng OCTA Research mula noong 12-18 Hulyo 2021, lumalabas na pumapangatlo ang pangalan ni Cayetano sa listahan ng vice presidential wannabes.
Kung tutuusin, statistically tie sila ngayon ni Mayor Isko Moreno. Hindi na ito nakapagtataka kung tutuusin dahil tuloy-tuloy ang ginagawang effort ni Cayetano upang mapagsilbihan ang taongbayan lalong lalo ang ating mga kababayan na nangangailangn ng ayuda ngayong panahon ng pandemya.
Tuloy-tuloy ang pamimigay ni Cayetano ng “Sampung Libong Pag-asa” o “Sampung Libong Ayuda” sa mga biktima ng CoVid-19 para makatulong sa kanilang pag-ahon sa buhay. Inilunsad din niya ang sari-sari store community kung saan binibigyan ng P3,500 tulong ang maliliit na tindahan na iginupo ng CoVid-19.
Abala rin si Cayetano sa pagpaplano ng five-year development plan para sa pagbangon nang tuluyan ng ating bansa mula sa CoVid-19. Umaasa si Cayetano na makikipagtulungan ang iba pang mga kandidato para maipatupad ito. Sa ngayon ay hindi na lang puro plano ang kailangan kundi kung paano ito maipatutupad ang ara sa kapakanan ng ating bayan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com