Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabong manok

4 kelot na ‘adik’ sa tupada tiklo

APAT na ‘haling’ sa tupada ang nahuli ng mga awtoridad  makaraang salakayin ang isang ilegal na tupadahan sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang mga naarestong sina Johnny Banal, 55, Noli Esquilona, 44, Ryan Capoquian, 30, at Ernesto Domingo, 68, pawang residente sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Julius Mabasa, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa gilid ng ilog sa Brgy. 35 Maypajo, Dagat-Dagatan.

        Bumuo ng team ang mga operatiba ng NPD sa pangunguna ni P/Lt. Glenn Mark De Villa, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Vicky Tamayo saka pinuntahan ang naturang lugar dakong 5:30 pm.

        Pagdating sa lugar, naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na nagtutupada, dahilan upang arestohin ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P1,500 bet money. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …