Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman AJ Raval Jela Cuenca Angeli Khang Taya
Sean de Guzman AJ Raval Jela Cuenca Angeli Khang Taya

Sean maraming gustong patunayan

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

PINAPANOOD ko ang trailer ng TAYA ng Viva Films.  May magandang papel kasi rito ang inilunsad na artista ng Godfather Films na si Sean de Guzman sa isa na namang seksing tema ng pelikula.

Sa Macho Dancer marami na ang nagsabi sa malaking pagkakahawig ni Sean sa aktor na nakasama niya sa nasabing pelikula na si Allan Paule.

Rito sa TAYA habang gumigiling ang kamera sa sari-saring anggulo ng baguhan, mukhang siya na nga ang nagmana sa tatahaking landas sa dinaanan nyang beterano at batikang aktor.

Parte si Sean ng grupo ng Clique V ng 3:16 Media Network Talent Management.

Pero, hindi naman nito kakalimutan ang pagsasayaw pati ang pagkanta kasama ang grupo. 

Masaya si Sean dahil lahat silang mga talent ng 3:16 Media Network ay kanya-kanya rin ang galaw sa sinimulan ng mga karir sa pag-arte.

Marami siyang gustong patunayan. ‘Yun ang alam ni Sean sa kanyang sarili na nagtutulak sa kanya to do what it takes para mas gumaling pa at may maipagmalaki sa pinasok niyang mundo.

Nakita na sa Macho Dancer ang pagiging palaban ni Sean.

Lalaki ang ka-eksena niya roon sa love scenes. 

This time sa mga bagong tinatayaan ng Viva na sa sexy nymphets naman sasalang sa mas maiinit na eksena si Sean with his leading lady AJ Raval, kasama ang mga ipinakikilalang sina Jela Cuenca at Angeli Khang.

Taya lang ng taya sa mga hamon ng pagiging artista si Sean. At alam niyang tama ang direksiyong tinahak niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …