Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nesthy Petecio Irma Testa
Nesthy Petecio Irma Testa

Petecio vs Irie sa finals ng featherweight boxing division

TOKYO — Nakasisiguro  na si Nesthy Petecio ng unang silvermedal  ng Filipinas pagkaraan ng 25 taon, nang talunin niya si Irma Testa ng Italy para umabante sa finals ng featherweight boxing division ng Summer Olympic Games sa Kokugikan Arena noong Sabado.

Ang tikas at plano sa laro ni Petecio ay  hindi gumana sa unang round para siya maghabol 9-10 sa scorecards sa limang hurado. Napuwersa siyang palitan ang kanyang taktika sa mga sumunod na rounds, hanggang makuha ang laro ng Italian nang siya’y magpakawala ng power shots sa ulo at katawan.

“Noong first round po, sinunod ko lang po ‘yung unang game plan nina coach na ‘di muna pumasok sa kanya. Sinubukan namin, pero hindi talaga nag-click kasi ang haba talaga ng reach niya,” sabi ng  5’3″ Petecio tungkol sa kalaban niya na mas mataas sa kanya.

“Kita n’yo naman po, kahit ako nagugulat sa haba ng reach niya. Tapos noong second round, sabi ni coach, hindi kami puwedeng mag-stick sa ga-noong laro, kailangan namin pumasok nang pumasok,” dagdag ni  Petecio.

Nag-klik ang sumunod na plano nila  na nagresulta sa pag-atras  ng kalaban  dahil sa matapang na paglusob ni Petecio sa lahat ng anggulo.  Dito nabura ng Pinay pug ang kalamangan ng kalaban nang makapagtala ng 10-9 sa score cards ng mga hurado. 

“Noong mga sumunod na rounds, lagi po akong lumalapit, pinapasok ko po talaga siya. Kinukuha ko po siya sa speed, sa lakas ko, kasi alam ko na mas malakas po ako sa kanya,” sabi ni  Petecio, ang 2019 AIBA world champion, na lalaban sa ginto sa Martes.

Nakita ng mga hurado, lamang si Petecio sa bakbakan sa 3rd round kaya ibinigay muli ang 10-9 kalamangan sa Pinay boxer maliban sa 5th judge na si Manuel Valarino ng Argentina na nakita lamang si Testa.

Ang panalong iyon ay napantayan ang nasungkit na silver medal ni light flyweight Mansueto “Onyok” Velasaco noong 1996 Atlanta Games.

Ang paniguradong silver ni Petecio ay puwede pang maging ginto kung mananalo siya sa finals nila ni Sena Irie ng Japan sa Martes.

“It means a lot to me po, kasi it (Olympics) is my father’s dream, and my dream also. This win is not only for me but also for my family, and to Filipinos, who prayed for me. I won this fight because I believed in God, I believed that He will help me,” sabi ni  Petecio na pigil ang mga luha ng tagumpay.

Inialay din ni Petecio  ang kanyang panalo sa kanyang mga coaches at malalapit na kaibigan at kapwa boxer na si Alexcel Dergantes na namayapa sa kaagahan ng taon.

“Sobrang saya ko po na makapapasok ako sa gold-medal round, kasi hindi lang po ito para sa akin, para rin po ito sa bayan, sa best buddy ko na si Alexcel Dergantes na yumao na, sa pamilya ko, and kay coach. Alam ko ‘yung pagod ng coaches ko ever since. Nakikita ko ‘yung pagod nila. Di sila napapansin sa tuwing kami ay nananalo. Ngayon po, inaalay ko itong larong ito sa coaches ko, sa mga Pilipinong nagdasal para sa akin,” sabi ni Petecio.

(PUBLIC COMMUNICATIONS OFFICE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …