Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manoling Morato Jake Cuenca
Manoling Morato Jake Cuenca

Jake nalungkot sa pagyao ng tiyuhing si Manoling Morato

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALUNGKOT si Jake Cuenca sa naging pagyao ng kanyang great grand uncle, si dating MTRCB Chairman Manoling Morato matapos ang pananatili ng apat na araw lamang sa ospital dahil sa pneumonia, na ang talagang sanhi umano ay Covid19. Si Manoling ay nanungkulan din bilang chairman ng PCSO at noong panahong iyon ay sinasabing napakarami nilang natulungan lalo na ang mga maysakit.

Sa showbiz, naging kontrobersial din si Manoling, pero hindi maikakaila na noong panahon niya sa MTRCB ay napatigil niya ang mga mahahalay na panoorin na kung tawagin noon ay “penekula” o “Pene films” dahil halos lahat nga ay nagpapakita na ng “actual penetration.”

Sinasabi nga ni Manoling na, ”marami ang umaway sa akin sa mga taga-showbiz, pero ipinatutupad ko lang ang batas na siya ko namang dapat gawin, at napatigil natin ang mga kabastusan.”

Sinabi nga ni Jake na akala nila, malulusutan ni Manoling ang huling pagsubok na iyan, dahil malakas siya eh, pero siguro dala na rin ng kanyang edad hindi na niya nakayanan.

“Descansa en paz, tio Manoling” ang mensahe na lang ni Jake sa kanyang tiyuhin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …