Sunday , November 3 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

IATF lockdown matulin, ayuda sa mawawalan ng trabaho, nasaan na?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

BILIB tayo sa bilis magdesisyon ngayon ng Malacañang at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling mag-lockdown upang mapigil ang pagtaas ng CoVid-19 Delta variant.

Ibig sabihin kapag nag-lockdown, magsasara ulit ‘yung mga establisimiyento na halos kabubukas pa lamang at hindi pa bumabalik sa normal operations.

Nakapila rin ang mga dati nilang empleyado na nakikiusap na isama ulit sila sa workforce dahil ‘gutom na gutom’ na ang pamilya nila.

Ito ‘yung panahon na wala kang malapitan dahil pati kamag-anak na dating nakaluluwag ay masikip na rin ang kalagayan ngayon.

Sa bagong lockdown na ibinaba ng pamahalaan, ibig sabihin ay mahigit dalawang linggo na namang mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa na bread winner ng kani-kanilang pamilya.

As usual paaasahin na naman ang mga mamamayan na mayroong ‘ayuda.’

Ang tanong, nasaan ang ayuda?

Ayudang may kalipikasyon. Bakit kailangan may kalipikasyon? Hindi ba dapat na lahat ng pamilya ay bigyan?

Kung nakaluluwag ang isang pamilya (meron pa ba?)  baka ‘yung mga tycoon lang ‘yun. Kahit nga ‘yung sinasabi na upper middle class ay apektado na rin. ‘Yung natitira nilang kabuhayan, ipinang-aasikaso na nila para mag-migrate sa mga bansang may seguridad.

Ibig sabihin lang po natin, kung magdedesisyon ng lockdown ang pamahalaan dapat ay nakahanda na rin ang ayuda. Hindi naman inutil ang local government units (LGUs). Sa Maynila nga, anim na buwan namahagi ng food pack sa bawat pamilya si Mayor Isko & VM Honey.

Kung may hindi man nabigyan, tiyak na barangay ang may pananagutan diyan.

Wish lang natin, sa buong linggo na ito ay maasikaso ng national government ang ayuda para kapag nag-lockdown sa 6 Agosto hanggang 20 Agosto ay hindi mag-aalala ang bawat pamilya na magugutom sila.

Please lang po!

LUK FOO HOT POT
SA SUCAT LOK-BU
ANG SANIDAD

MASAMA ang karanasan ng isang pamilya sa Luk Foo Hot Pot diyan sa Sucat, Parañaque.

Kahapon, umorder sila for takeout. Ilan sa mga inorder nila ang steamed shrimp at spinach sauté.

Heto na, pagbukas ng steamed shrimp, nakow! Steamed ipis ang bumulaga sa kanila. Yucks! Talagang titindig ang balahibo at makakalimutan mong gutom na gutom ka na.          

Okey ‘e ‘di binuksan ang iba pang food packed. Kumain ng spinach sauté, medyo okey na sana pero bwakanabits, paghalukay sa ilalim, may ipis na naman!

Ipis sauté naman! Yucks kadiri to the max! Talagang babaliktad ang sikmura ninyo.

So, sa madaling salita, kailangan nang tawagan at ireklamo ang insidente. E ‘di as usual panay ang sorry. Ibinalik ang bayad, pero ‘yung health risk ng nakakain ng ipis sauté bukod pa sa psychological effect nito, nawala ang pananagutan ng Luk Foo sa bagay na iyon.

E mas bagay yatang tawagin ang restaurant ninyong LUK-BO!

Parañaque City LGU Sanitary and Health Office, baka kailangan ninyong inspeksiyonin ang Luk Foo diyan sa Sucat.

Kadiri ang kanilang sanidad!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *