Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas
Alfred Vargas

Cong Alfred naiyak nang magtapos ng MA sa UP

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

KUNG ang college diploma ng world boxing champion-senator na si Manny Pacquiao ay kinukywestyon ang legalidad, malamang naman ay ‘di mangyayari ‘yon kay Quezon City Congressman Alfred Vargas

Naganap noong Linggo ng umaga, July 25, ang virtual graduation ni Alfred para sa kanyang master’s degree sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (NCPAG). Masaya si Alfred dahil ang master’s degree ang katuparan ng pangako niya sa kanyang ina, si Atty. Susana “Ching” Vargas, na namayapa noong March 2014 dahil sa kanser.

Pahayag ng actor-politician sa social media, ”May master’s degree na ako and this is a very big deal for me kasi hindi madali.

“Napakalaking challenge pero talagang bawat minuto, bawat segundo ng buhay ko, inilaan ko sa mga importanteng bagay sa buhay ko.

“Finally, after a few years, I’m able to graduate na from UP, and dream ko naman talagang maka-graduate sa University of the Philippines.”

Ginunita n’yang sa Ateneo de Manila University siya nagtapos ng bachelor’s degree niya noong 2002, at ang pangarap ng butihin n’yang ina ay tumuloy siya sa law school ng Ateneo. 

“Pero  dumiretso ako sa pag-aartista. ‘Yung mother ko, lawyer. Medyo bumigat ‘yung loob niya. Medyo nagalit siya sa akin, as in nagkaiyakan pa kami before.

“Pero noong napanood niya ako, lalo na sa ‘Encantadia,’ sabi niya, ‘Sige, okey lang. Basta, kahit hindi ka mag-law school, just promise me you will pursue graduate studies.’

“Ngayong 2021, this is a promise fulfilled to my mom.

“Ang mommy ko, sa UP siya nag-pre-law, tapos sa Ateneo siya nag-law proper.

“Ako naman, undergrad ko Ateneo, tapos graduate studies ko, sa UP.”

Ayon pa kay Alfred, napaluha siya sa nangyaring virtual graduation dahil naalala niya ang kanyang mga pumanaw na magulang.

“Kanina, nang kumakanta na kami ng ‘UP Naming Mahal,’ at saka noong nanunumpa na ako, medyo emotional ako, naiiyak ako.

“Sabi ko, sayang, super sayang, sana nandito si Mom at saka ‘yung daddy ko. Sana nandito sila, buhay sila para makita ito. Roon ako naiyak, honestly.”

Noong oras na ‘yon ng virtual graduation n’ya, mag-isa lang siya sa office n’ya. Eh, nasaan ang pamilya n’ya? 

Pagtatapat n’ya, “’Yung mga anak ko nagre-ready sila, mayroon kaming maliit na graduation party sa bahay. ‘Yung mga anak ko, naghanda ng balloons, at saka cake.

’Yung feeling ko, I’m proud, at the same time, masayang-masaya. Pero ‘yun lang ang ikinalungkot ko ngayon kasi wala ‘yung nanay ko.

“Siguro kahit virtual graduation siya, hindi naman nawala ‘yung pagka-special niya.”

Pag-amin pa n’ya, ”Na-miss ko rin ‘yung classmates ko na sana mga katabi ko. Pero I’m still very very grateful. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to.”

O, may maikukwento kayang ganyan si Senator Pacquiao kung paano siya gumradweyt supposedly sa Political Science sa University of Makati?

Pero kaya lang naman kinukuwestyon ang legitimacy ng bachelor’s degree ni Sen. Pacquiao ay dahil sa pagbabando n’yang kakandidato siya sa pagkapangulo ng bansa sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …