Sunday , April 6 2025

LGUs no SOP sa bakuna…e sa bakuna accessories kaya?

ZERO.

As in masasabing bokya ang ilang opisyal ng Local Government Units (LGUs) sa inirarasyon sa kanilang bakuna ng national government para sa kanilang constituents.

Walang kita, as in zero talaga dahil hindi sila (LGUs) ang bumili ng bakuna, sa halip ay ang national government.

Pero hindi ko naman sinasabing kumita ang national government o may SOP sila sa pagbili ng milyon-milyong pisong halaga ng bakuna at sa halip, lantad o knowing ang lahat kung magkano ang presyohan ng bawat isang bakuna kaya, mahirap dagdagan ang presyo ng bakuna.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na sa bawat proyekto ng LGUs sa kani-kanilang bayan o lalawigan ay may kita sila – may SOP.

Sinasabing legal daw ang 20 porsiyentong SOP sa

bawat project.

Ano ba iyong SOP? Standard operating procedures daw po. Teka, hindi ba “save our pocket?” Hehehe…puwede hindi ba?

Kaya dahil, hindi ang LGUs ang bumibili ngayon ng bakuna sa mga dayuhang pharmaceutical companies na gumagawa ng vaccines laban sa CoVid-19, naturalmente na walang kita ang LGUs. Walang kita sina…sino?

Siyempre iyong mga nasa likod ng mga pumipirma at nag-aaproba sa isang proyekto.

Bokya as in zero ang LGUs sa SOP. Hehehe…

Ngunit, sa tingin ba ninyo ay talagang walang pakinabang ang ilang LGUs sa bakunahan para sa CoVid-19? May makalulusot ba sa mga tiwali sa LGUs?

Hahayaan ba ng mga tiwali na manatili silang bokya o zero SOP sa programang bakunahan?

Kung talagang bokya ang mga tiwali sa pagbili ng bakuna, saan sila maaring kumita sa programang bakunahan?

Saan pa kung hindi sa kani-kanilang gimik na “bakuna accessories.” Bakuna accessories? Mayroon bang bakuna accessories? Yes, mga kababayan, marami iyan.

Tinutukoy natin na accessories ang mga pinagagawang medical plasters na may tatak pa ng kani-kanilang lungsod, mga ballpen na ipinagagamit sa mga magpapabakuna, mga tarpaulin na pang-enganyo sa constituents nila para magpabakuna, mga pakain sa mga magbabakuna/magpapabakuna, mga bakuna card, mga bakuna stickers at iba pang may kinalaman sa programa ng bakunahan.

Yes, wala man kita ang mga tiwali sa LGUs sa pagbili ng bakuna, marami rin silang paraan kung paano gumawa ng pera sa bakunahan. Hahayaan na lamang ba nilang wala silang SOP sa programang ito?

Kaya ano man mangyari, mayroon at mayroon pa rin SOP ang mga tiwali sa LGUs. Pero naniniwala naman tayo na hindi naman lahat kung hindi may mga matitinong leader ng LGUs. Takot sila sa karma kung baga, ‘di ba mayor, vice mayor, governor, vice governor, Mr. Treasurer, Mr. Budget and Finance Division at kani-kanilang mga tauhan sa pumipirma sa mga proyekto o programa ng lokal na pamahalaan na may involve na pondo?

Ano sa tingin ninyo mga kababayan, hindi ba pinagkakakitaan ang mga bakuna accessories ng LGUs? Milyong piso rin ang halaga ng mga accessories na ‘yan? SOP nga naman talaga, dapat mawakasan na. E hanggang kailan pa itong bakunahan…hanggang nandiyan pa rin ang programang bakunahan, tuloy ang kita ng mga tiwali sa LGUs.

AKSYON AGAD

ni Almar Danguilan

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *