Sunday , December 22 2024
Globe Telecom VoLTE magagamit ng Globe postpaid customers sa 94% ng mga bayan sa PH
Globe Telecom VoLTE magagamit ng Globe postpaid customers sa 94% ng mga bayan sa PH

VoLTE magagamit ng Globe postpaid customers sa 94% ng mga bayan sa PH

SA PAGSISIKAP ng Globe na mabigyan ng mas mahusay na experience sa mobile ang kanilang customers, naging posibleng magkaroon ng serbisyong Voice Over LTE (VoLTE) ang postpaid customers na magagamit sa 94% ng mga bayan sa bansa.

Sinabi ng telco na ang rollout ng makabago at mas malawak na network ay nagbigay ng karagdagang paraan ng pagtawag para makakonekta ang mga customer sa kanilang mga mahal sa buhay, at makapaghanapbuhay, makapag-aral, at gumawa ng iba pang mga aktibidad online.

“Sa ngayon, 30% ng aming postpaid customers ang aktibong gumagamit ng VoLTE. Umaasa kami na sa mga darating na buwan, mas marami pang mga customer ang susubok sa bagong serbisyong ito dahil makapagbibigay ito ng mahusay at mas kaaya-ayang karanasan sa kanila,” sabi ni Issa Guevarra-Cabreira, Globe Chief Commercial Officer.

Ang VoLTE ay pamantayan ng high-speed na wireless communications para sa mobile phones na gumagamit ng 4G LTE imbes tradisyonal na 2G at 3G voice network.

Kung ikokompara sa lumang voice services ng 2G at 3G, maraming pakinabang ang VoLTE. Mayroon itong tatlong beses na higit na voice capacity kaysa 3G at hanggang anim na beses na higit pa kompara sa 2G.

Dahil dito, nakakayanan ng network ang mas maraming sabay-sabay na pagtawag, mas mabilis na pag-set up ng tawag, mas malinaw na kalidad ng voice call, at mas mababang pagkakataon ng dropped calls.

Para sa tuloy-tuloy na karanasan sa pagba-browse sa mobile, online gaming, at video streaming, pinapayagan din ng VoLTE ang sabay na pagkonekta sa internet at pagtawag.

Bukod sa VoLTE, mayroong Voice over WiFi (VoWiFi) o WiFi Calling na makatutulong matugunan ang mga problema ng mobile coverage sa loob ng mga bahay at gusali.

May mga pagkakataon na mahina ang signal dahil ang voice calls ay naaapektohan ng distansiya sa pagitan ng mobile phone at ng pinakamalapit na network tower, at ng mga pader na pumipigil sa pagpasok ng wireless signal.

Kung malakas ang signal ng WiFi at mayroong mobile phone na may kakayahang gumamit ng VoWiFi, maaaring magamit ng mga customer ang kanilang WiFi para tumawag sa telepono.

Ang mga tawag sa VoLTE at VoWiFi pati na rin ang pagsingil dito ay tulad ng mga regular na tawag sa telepono. Maaari rin mag-subscribe sa unli-VoLTE at unli-VoWiFi promo.

Gumagana rin ang VoWiFi sa anumang WiFi network.

Nananatiling positibo ang reaksiyon ng mga Globe customer sa VoLTE at VoWiFi. Ayon sa ilang mga customer, ang VoWiFi ay isang ‘tagapagligtas’ at pinakakapakipakinabang sa pagtawag kahit nasa loob sila ng kanilang mga tahanan sa kani-kanilang mga subdibisyon.”

Maaaring tingnan ng mga customer ng Globe ang mga FAQ para malaman kung may kakayahan ang kanilang mobile phone para sa VoLTE, makita ang mga lokasyon kung saan ito puwedeng magamit, at magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa serbisyo.

Idinagdag ni Cabreira, isinasagawa ng Globe ang mga probisyon para masakop na ang natitirang anim na porsiyento ng mga lugar sa bansa na hindi pa kabilang sa serbisyo ng VoLTE.

Ang walang tigil na pagsisikap ng Globe na mapagbuti ang estado ng pagkakakonekta ng bansa ay nagresulta sa pagiging pinaka-consistent na mobile network sa dalawang magkasunod na quarters ng 2021, na pinatunayan ng Ookla®.

Nanatiling nangunguna ang telco sa mobile consistency sa buong bansa kompara sa kompetisyon. Ang Consistency Score ng Globe sa Q1 2021 ay 70.43 at sa Q2 2021 ay 75.98.[1]

Mahigpit na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga papel na ginagampanan ng impraestruktura at pagbabago bilang mga kritikal na tagapagsulong ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Safe SIM registration Globe

Safe SIM registration ipinaalala ng Globe

NAGPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga …

Converge Surf2Sawa Brgy S2S

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Palaro, at Papremyo Hatid ng Surf2Sawa at Converge sa Inyong Lugar

Metro Manila, Philippines – Ayon sa census (PSA 2020), halos 35 porsyento ng populasyon sa …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *