Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bidaman Wize Estabillo Jin Ron Macapagal Dan Delgado
Bidaman Wize Estabillo Jin Ron Macapagal Dan Delgado

Wize Estabillo makakalaban ang mga co-Bidaman

MATABIL
ni John Fontanilla

THANKFUL si Wize Estabillo sa nominasyong nakuha sa 34th PMPC Star Awards for Television para sa kategoryang Best New Male TV Personality.

Tsika ni Wize, “Sobrang nagpapasalamat po ako sa PMPC dahil isa ako sa napili nilang nominado sa Best New Male TV Personality kasama ‘yung mga co-Bidaman ko na sina Jin, Dan, at Ron.

“Iba pala ang pakiramdam kapag nominado ka. Kaya naman win or loose masaya na ako kasi na-nominate ako. Malaking achievement na ‘yun sa akin and gagawin ko ‘yung inspirasyon para mas galingan ko pa ang mga trabahong ibibigay sa akin ng ABS-CBN.”

Bukod kina Bidaman JinRon Macapagal, at Dan Delgado, makakalaban rin ni Wize sa Best New Male TV Personality sina Abdul Raman (All-Out Sundays/GMA 7), Allen Ansay (Buhay Kapalit ng Alak –Magpakailanman/ GMA 7), Jerick Dolormente (All-Out Sundays/GMA 7), Jin Macapagal (It’s Showtime/ABS-CBN 2), Joaquin Domagoso (All-Out Sundays/GMA 7), Kim de Leon (All-Out Sundays/GMA 7), Radson Flores (All-Out Sundays/GMA 7).

Regular na napapanood si Wize sa It’s Showtime Online at sa segment na Ms Q & A at katatapos lang i-shoot ang Greenwich Commercial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …