FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
DAHIL sa rami ng orders ng imported beef ng Cooking Ina Food Market na negosyo ni Mariel Rodriguez-Padilla, tumutulong na rin ang asawang si Robin Padilla sa delivery.
May sariling delivery app ang aktor na sa tingin namin ay pag-aari niya, ang Moto Express Halal Moto na may pinaka-mababang bayad sa halagang P37 para sa unang 2 kilometro.
Sa isang araw kasi ay kulang 100 packs ang order kay Mariel at para hindi maantala at mag-suffer ang freshness ng mga karne ay ang hubby na niya ang gumagawa.
Nitong isang araw ay nagdeliver si Robin ng 30 bags at ipinakita pa niya ang mga ito sa kanyang Instagram account.
Sabi ng aktor, ”Today aside from our regular orders we are delivering 30 bags for our VVIP client who ordered steak, tapa ni lolo and paborito ni Robin salpicao, all halal, to celebrate Eid al-Adha thank you sooo much (praying emojis) @cookinginafoodmarket @motoexpressph #SteakLikeNoOther.
“Sa paghahanapbuhay hindi basehan ang taas ng pinag aralan ang mahalaga ay marangal ka at parehas ka sa kapwa mo. May Doctorate d’yan pero panggugulang naman sa kapwa ang ginagawa at pagpapayaman gamit ang katalinuhan sa panloloko.
“Itaas mo ang noo mo at isa kang delivery service man o woman, dahil sa bawat paghatid mo ay kaligayahan ng nakatatanggap. @motoexpressph @cookinginafoodmarket.”
Pero hindi pala ganoon kadali ang maging rider at nalaman ito ng aktor dahil nahilo siya at sa hospital bumagsak.
Ang caption ni Binoe sa larawang ipinost niya bilang rider, ”Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders. Sa sobrang babad sa init kanina nahilo ako kaya kagyat ako nagpunta sa New Era General hospital at nagpa check up. Normal naman ang lahat ng vital signs ko hindi lang ang BP ng 140/100 ako.
“Napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders. Babad sa init at usok tapos biglang uulan. Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room ok na ako uli. Resume ng agad ng delivery.”
Pinasalamatan naman ni Mariel ang asawa, “Wow thank you so much babe.”
Pinaalalahanan din si Robin ng kuya Rommel Padilla niya, ”AsaLaMu ALaikuM! Ride safe & regards sa Lahat ng DeLivery Riders! HaymabU!”