Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine at Morisette gustong maka-duet ng newbie singer

MATABIL
ni John Fontanilla

SINA Regine Velasquez-Alcasid at Morissette Amon ang iniidolo ni Sephy Francisco na unang napanood at nakilala sa I Can See Your Voice Philippines.

Pinahanga ni Sephy ang international audience nang sumali ito sa I Can See Your Voice Korea at sa X Factor UK 2018.

“Among our local singers ang paborito ko since bata pa ako ay sina Regineat Morisette.

“Sobrang husay po kasi nila and gusto ko po ‘yung the way they sing and kung paano sila mag-perform.

“Everytime na napapanood ko sila ramdam na ramdam ko ‘yung grabeng pagmamahal nila sa pagkanta and they always give their 100 percent sa bawat performance.

“And ‘yun ‘yung naging panuntunan ko sa tuwing nagpe-perform ako na dapat 100 percent ‘yung performance.

“Hopefully makatrabaho ko sila sa isang konsiyerto at maka-duet.”

Sa ngayon, abala si Sephy sa Kumu na ibinabahagi nito sa kanyang mga manonood ang husay sa pag-awit at guesting sa mga online concert ng mga celebrity local artist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …