Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug ops nauwi sa enkuwentro tulak dedo sa parak (Sa Nueva Ecija)

WALA nang buhay nang bumulagta sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nakipagsabayan ng putok nang maamoy na mga pulis ang nakatransaksiyon sa ikinasang drug bust ng Gapan City Police SDEU sa bahay ng suspek sa Brgy. Pambuan, lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 19 Hulyo.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang suspek, batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PNP, na si Manny Ramos, nasa hustong gulang, nakatira sa nabangit na lugar.

Narekober ng Scene of the Crime Office (SOCO) operatives sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38, mga basyo ng bala, 21 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P21,000, at marked money na ginamit sa operasyon.

“PNP-PRO3 is continuously conducting proactive operations to invigorate its efforts to wipe out all forms of illegal drugs in order to achieve its quest for a drug free Central Luzon,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …