Tuesday , November 19 2024

1,200 Kapampangang kalipikado sa programang tupad makikinabang sa ‘upland vegetable farming’(Inilunsad ng DOLE sa Pampanga)

MAHIGIT 1,200 Kapampangang benepisaryo ng programang Tupad o mga nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya ang natulungan sa inilunsad na Upland Vegetable Farming ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa upland areas ng mga bayan ng Floridablanca, Porac, at Mabalacat.

Pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III, Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtatanim ng mga gulay tulad ng kamatis, kalabasa at talong kasama ang mga katutubong Aeta sa Floridablanca.

Nakipatanim rin sina Board Members Fritzie Dizon at Cherry Manalo, PDRRMO Chief Angelina Blanco, PESO head Luningning Vergara, PSDWO Elizabeth Baybayan, PG-ENRO at iba pang mga opisyal ng DOLE, PENRO at PNP.  (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *