Thursday , May 15 2025

1 HVI, 4 kasabwat tiklo sa P1.7-M ‘bato’ (Sa anti-narcotics ops sa Angeles City)

NALAMBAT ang isang suspek na kabilang sa listahan ng high value individual (HVI) at apat pa niyang kasabwat nang makuhaan ng tinatayang P1,700,000 halaga ng hinihinalang shabu sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga kagawad ng Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) at Police Station 3 ACPO nitong Lunes, 19 Hulyo sa 7403 Mindanao St., Jaoville Compound, Brgy. Pandan, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek, batay sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan, City Director ng Angeles CPO, na sina Saif Boko, 27 anyos, isang high value individual; at mga kasabwat na sina Mamad Datu, 27 anyos; Amin Ibrahim, 27 anyos; Ibrahim Limbona, 19 anyos; at Samad Omar, 26 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang apat na paketeng na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 250 gramo, at nagkakahalaga ng halos P1,700,000, at marked money na ipinain sa mga suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 na may kaugnayan sa Section 26 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *