I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMALANG na sa kanyang unang obligasyon bilang consultant sa GMA Artist Center (GMAAC) si Johnny Manahan o kilala ring Mr. M.
Ang pagtulong maka-discover ng bagong talents ng Artist Center ang isa sa misyon ng star builder.
Nakabilang siya sa screening panel sa ginawang online auditions this week. Kasama niya sa audition ang GMA Entertainment directors, Artist Center’s senior talent manager, at ang team ng talent development at recruitment ng GMAAC.