Wednesday , December 25 2024

Katarungan, makakamit na ba ng pamilya nina NCMH director Doc Cortez at ni Dela Cruz?

TULUYAN na kayang makakamit ng pamilya Cortez nag katarungan sa pagpaslang sa kanilang padre de familia na si Dr. Roland Cortez, dating director ng National Center for Mental Health (NCMH), maging sa driver nitong si Ernesto Ponce Dela Cruz na kapwa napatay  nang tambangan 27 Hulyo 2020 sa Quezon City?

Marahil, dahil nadakip na ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Antonio  Yarra, ang sinsabing utak ng krimen at ang kasabwat na driver/bodyguard.

Sa ngayon, masasabing isa pa lamang itong ‘hilaw na katarungan’ dahil hindi pa naman napapatunayan ang mga pinaghihinalaan. Kaya ang tanging makapagsasabing nakamit na ang katarungan ay ang huwes. Siyempre, depende na ang lahat sa ihaharap na ebidensiya laban sa mga suspek.

Ano pa man, nabunutan na ng tinik sa dibdib ang mga iniwang mahal sa buhay ni Doc Roland at ni Dela Cruz dahil at least nadakip na ang hinihinalang mastermind at ilang kasabwat.

Bagamat hindi pa tapos ang paglilitis sa korte (mag-uumpisa pa lang), sa bahagi ng QCPD ay maituturing nang lutas ang krimen dahil sa pagkakaaresto sa dalawa.

Ayon kay Yarra, nadakip ng  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni P/Maj. Elmer Monsalve ang mga suspek kamakailan.

Kinilala ni Yarra ang hinihinalang utak na si Clarita Avila, 65 anyos, dating hepe ng Administrative Support Service ng NCMH, at residente sa No. 25 Oaks St., Blk 6, Phase 1, Woodland Hills, Brgy. Silangan, San Mateo Rizal.

Sumuko sa CIDU at Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang driver/bodyguard ni Avila na si George Serrano, 57 anyos, residente sa NCMH Compound, Nueve De Pebreo St., Mauway, Mandaluyong City, kasama ang kaniyang abogadong si Atty. Crystal Prado.

Ayon kay Yarra, naunang nadakip si Avila nitong 25 Hunyo  2021 sa kanyang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rochelle Santos Manuel, ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 97 nitong nakaraang 23 Hunyo 2021.

Maaalalang tinambangan ng riding-in-tandem si Cortez, at personal driver niyang si Dela Cruz, noong 27 Hulyo 2020 sa kanto ng Casanova Drive at Tandang Sora Ave., Brgy. Culiat, QC.

Sa pagsisiyasat ng QCPD, posibleng may kinalaman sa trabaho ang krimen dahil sa ipinatupad na reporma ni Cortez sa ahensiya at pagkakatuklas sa isang maanomalyang transaksiyon na kinasasangkutan ni Avila.

Ayon sa pulisya, pinabulaanan ng dalawang akusado ang mga akusasyon. Pinaghahanap pa ang isang Sonny M. Sandicho na hinihinalang may partisipasyon sa ambush.

Ang tanong, makakamit na nga ba ng mga biktima ang katarungan?  Hangga’t hindi pa napapatunayan ang mga akusado, masasabing ito’y isang ‘hilaw na katarungan.’

Sa QCPD naman, Gen. Yarra, Maj. Monsalve, sampu ng mga nasa likod ng pagkakalutas ng krimen, pag-imbestiga, pangangalap ng mga ebidensiya hanggang sa pagkaaresto sa mga suspek, Congratulations!  Saludo ang bayan sa inyo.

Proud to be QCPD!

Almar Danguilan

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *