THIRTEEN years ng Kapuso si Andrea Torres at ni minsan ay hindi niya naisip lumipat ng ibang TV network o home studio.
“Ako, honestly, hindi talaga. Kasi, grabe ‘yung ibinibigay nila sa aking pag-aalaga and guidance.
“And minsan nga, hindi na ‘yun kasama sa trabaho nila bilang boss or bilang network, pero ibinibigay pa rin nila sa ‘yo. Kaya rin siguro roon nanggagaling ‘yung parang mas nagiging humble ka.
“Kasi nga, may mga bagay na grabe, ginagawa pa nila for you kahit na sa tutuusin, pwedeng hindi na.”
Ngayong July 26 ay eere na ang Legal Wives na isa si Andrea sa gaganap sa tatlong asawa ni Dennis Trillo, ang dalawa pa ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.
At siyempre pa, bilang isa sa prime stars ng GMA, maraming proyekto ang naka-lineup na gagawin niya.
“Actually, napaka-timely nga po ng nangyaring renewal of contract.
“Ngayon po, ang dami pong naka-lineup na gagawin namin. Magiging very busy po ‘tong taon na ‘to and ‘yung mga naka-line-up na ‘yun, puro mga role na never ko pang nagawa before and stories na never ko pang nagawa before.
“Ito pong ‘Legal Wives,’ natuwa akong marinig sa boss ko na nagustuhan daw nila, napakalaki raw ng project, maganda raw siya.
“And ‘yung susunod, I’m sure magugulat din kayo sa role at sa mga scene na gagawin ko.”
Kamakailan ay ini-renew ng GMA ang exclusive contract ni Andrea bilang isang Kapuso.
“I’m very happy, I’m very emotional,” wika ni Andrea tungkol sa kanyang renewal. “Actually, kaya ako naging emotional, gumawa sila ng video na binalikan nilang lahat ‘yung mga unang projects ko.”
Ang video ay ipinalabas bago ang Zoom mediacon para kay Andrea ilang araw ang nakalilipas.
“From ‘Sana Ay Ikaw Na Nga,’ ‘Annasandra,’ ‘Millionaire’s Wife…’ nakita ko ulit at naalala ko ‘yung bawat steps na na-take namin together.
“From the time na may doubt ka sa sarili mo, ‘Kaya ko bang gumawa ng soap?’ Tapos ngayon, nandoon na kayo sa part na medyo nag-e-experiment na kayo. Nagti-take na kayo ng mga role na dati, hindi niyo tine-take, pero ngayon open na kayo.
“So, very happy po ako. Very happy ako na Kapuso pa rin ako. Na winelcome pa rin nila ako at ganito ang pag-welcome nila sa akin.
“Napaka-warm talaga, hindi ko in-expect from our bosses.
“And I think, ‘yun naman po ang reason kung bakit loyal ako as Kapuso. Kasi, masaya ako rito at napi-feel ko ang love nila for me.”
– Rommel Gonzales