Saturday , November 16 2024

Suspek nakatakas, parak sinagasaan (Gadgets, personal na gamit tinangay ng basag-kotse gang)

PINANINIWALAANG miyembro ng basag-kotse gang ang nakatakas, tangay ang mga gadget at ibang personal na gamit ng mga biktma saka tinangka pang sagasaan ang nagrespondeng awtoridad nang kunin ang nakaparadang Silver Hyundai Starex AAO 9541 sa San Guillermo Church, sa Brgy. Cabambangan, bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes, 16 Hulyo.
 
Kinilala ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, ang suspek na si Daniel Mercado, 49 anyos, may asawa, residente sa Cherry St., Greenland Executive Village, San Juan, Cainta, Rizal.
 
Sa impormasyon ng mga awtoridad, mayroong standing warrant of arrest si Mercado sa kasong robbery at malicious mischief sa lungsod ng Olongapo at theft sa Cainta, Rizal.
 
Kinilala rin ang mga biktimang sina Fernando Contreras, Jr., binata, ng lungsod ng Makati; at Ashley Francisco, dalaga, nakatira sa bayan ng Porac, Pampanga.
 
Ayon kay P/Maj. German Pascua, hepe ng Bacolor Municipal Police Station, dakong 1:30 pm nang naiulat sa kanilang himpilan ang naturang insidente ng basag-kotse sa nasabing lugar na pag-aari ng mga biktima.
 
Sa pagsisiyasat sa kuha ng CCTV sa lugar, tumambad ang dalawang suspek at binasag ang kanang bintana ng kotse saka tinangay ang mga gadget at ibang kagamitan sa loob ng sasakyan saka sumibad sakay ng getaway car na puting Toyota Hi Ace GL Van.
 
Bandang 3:30 am kinabukasan, 17 Hulyo, natunton ang sasakyan ng suspek sa pamamagitan ng GPS locator.
 
Pinahinto ng mga nakapuwestong awtoridad sa checkpoint at doon nabawi ang mga ninakaw na gadget ngunit kulang ito nang maisauli sa mga biktima.
 
Imbes sumuko ang nasukol na suspek na si Mercado, pinaarangkada niya ang sasakyan at tinangkang banggain si P/Maj. Pascua na nakakapit pa sa sasakyan hanggang makaladkad at masugatan at magkapasa ang katawan.
 
Agad na itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ang pulis upang malapatan ng karampatang lunas.
 
Samantala, nabangga sa isang puno ng Acacia ang dalang getaway car ni Mercado at tumakas sa hindi pa matukoy na direksiyon.
 
Nahaharap sa kasong Theft, Direct Assault, Attempted Homicide, Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority ang suspek.
 
Agad dumalaw si PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon sa ospital na pinagdalhan kay P/Maj. Pascua upang personal na matiyak na nasa mabuti siyang kalagayan at inabutan din ng pinansiyal na tulong. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *