Tuesday , November 19 2024

2 senior citizens, 1 pa tiklo sa ‘obats’ (Huli sa aktong ‘pot session’)

ARESTADO ang tatlong suspek kabilang ang dalawang senior citizens na pinaniniwalaang mga bangag sa ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng limang sachet ng hinihinalang shabu at maaktohan sa pot session sa isinagawang anti-narcotics operation noong Miyerkyoles, 14 Hulyo, ng mga operatiba ng Guagua PNP SDEU, sa kanilang hideout sa Brgy. San Rafael, bayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga.
 
Kinilala ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, ang mga suspek na sina Felino Macalino, 61 anyos, biyudo; Amado Magtoto, 61 anyos, may asawa; at Ricardo Sammy Diator, 51 anyos, may asawa, pawang mga residente sa nabanggit na barangay.
 
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, improvised tooter, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money.
 
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa mga probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Pampanga PNP. (RAUL SUSCANO)
 
 

About Raul Suscano

Check Also

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *