Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic sa mga gumagawa ng fake news — May paglalagyan kayo

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY ilang netizens pala na itsinitsismis na may relasyon si Vic Sotto sa bagong balik-Eat Bulaga co-host n’yang si Julia Clarete. May ilan ding nagsasabing buntis umano si Julia ngayon at si Bossing umano ang may kagagawan niyon.

May pasaring ang mister ni Pauleen Luna sa mga naninira sa kanya (at kay Julia na rin, na may asawang foreigner na chief executive ng Coca Cola Philippines). Heto ang mahabang pahayag ni Bossing kamakailan sa Eat Bulaga mismo:

“Eto, makinig kayo, hehehe!

“Sa mga… eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media lalo na… o sa ibang paraan…

“Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag.

“Nakikita kayo. Tandaan ninyo iyan, nakikita kayo, at hindi natin ‘yan palalampasin.

“Darating ang araw na may paglalagyan kayo. Ito ang huli… N’yo!

“Abangan. Abangan n’yo ‘yan. Yung mga nambu-bully o nami-meyk news, abangan niyo. N’yo!”

Nakangiti si Bossing Vic habang nagsasalita na parang pabiro, pero obvious na galit at gigil sa kung sino man ang nagkakalat ng mga pekeng balita.

Nakaiintriga ang sinabi ni Bossing Vic na, ”may paglalagyan kayo” at ‘yung idinidiin nila ang “n’yo” at “kayo.”

Kilala na kaya niya kung sino ang may kagagawan nito? Hindi lang isa, kundi marami sila?

Ano kaya ang balak niyang gawin sa mga taong nagkakalat nitong fake news, kaya sinasabi niyang ”may paglalagyan kayo?”  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …