Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sef at Mikee miss ang hiyawan ng fans

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BAGO sila mapanood sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, makikipag-bonding muna sina Sef Cadayona at Mikee Quintos sa kanilang fans ngayong Biyernes (July 16), 8:00 a.m. sa Kapuso Fans Day on TV hatid ng GMA Regional TV.

Napapanood ang Kapuso Fans Day on TV sa morning shows na umeeere sa local channels ng GMA RTV sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Binibigyang pagkakataon ng programa na maka-bonding ng fans ang kanilang favorite Kapuso stars—right from the comfort of their homes.

Suki nang maituturing sina Sef at Mikee sa mga mall show at other Kapuso events sa regions.

“Pinaka-nami-miss ko sa regional mall shows ay ‘yung marinig ’yung crowd na sumabay kumanta with me. ‘Yung feeling na ‘yun is so incomparable,” pagbabahagi ni Mikee na gaganap na young Elsa sa  Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento.

Si Sef naman, na siyang magiging young Pepito ay marami na ring pagkakataong naging host sa regional events.

“There are times na ako ‘yung host sa regional shows and happy ako kapag napapatawa ko ‘yung crowd. For me, nakakakuha ako ng lakas ‘pag may napapatawa ako, so thank you,” mensahe ni Sef sa kanyang supporters.

Marami pang stars ang makiki-bonding sa weekly Kapuso Fans Day on TV ng GMA Regional TV, every Friday at 8:00 a.m. na mapapanood via Mornings with GMA Regional TV sa North Central Luzon, GMA Regional TV Live! sa Central and Eastern Visayas, GMA Regional TV Early Edition sa Western Visayas, at At Home with GMA Regional TV sa Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …