Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Picture nina Coco at Julia trending (Coco-Juls fans naghuhumiyaw)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

“Hi Reggee, yes may indie movie sila for release next year,” ito ang pagkompirma ng handler ni Julia Montes na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment habang isinusulat namin ang balitang ito.

Nabanggit kasi namin na nakitang nagsu-shoot sina Julia at Coco Martin sa Pola, Mindoro ngayon base na rin sa mga larawang ipinost ng kasalukuyang Mayor doon na si Jennifer Mindanao Cruz o mas kilala bilang si Ina Alegre sa kanyang Facebook page.

Ang caption ay, “With Coco Martin and Julia Montes location familiarization. thanks Direk Brillante Mendoza and Direk Bing shooting sa Pola. I love Pola.”

Bukod pa sa isinulat din ito ng katotong Leo Bukas sa showbiz online bilang kaibigan niya si Mayor Ina.

Anyway, kaya pala nadadalas makitang magkasama sina Coco at Julia simula palang nitong 2021 ay dahil pinaghahandaan na nila ang upcoming movie project nila.

Bale ba naunang kumalat sa social media ang larawang magkakasama sina JM De Guzman, Julia, at Coco with directors Richard Somes and Erik Matti na ipinost ng una sa kanyang Instagram account.

Trending talaga ang larawang ito dahil naghuhumiyaw ang Coco-Juls supporters na finally ay mapapapanood na nilang muling magkasama ang kanilang mga idolo.

Bukod kina Coco at Julia, kasama rin ang baguhang aktres at ang aktor na si Raymart Santiago mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza na co-producer ng una mula sa kanyang CCM Films Productions.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 3K ang nag-like sa larawan nina Coco at Julia at almost 700 shares na.

Sina Coco at Julia ay huling gumawa ng pelikula noong 2013 , ang A Moment in Time na kinunan sa Europe na idinirehe ni Emmanuel ‘Manny’ Palo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …