Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Happy Time tsugi na ba?

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung may Happy Time pa sa NET 25 na produced ng Eagle Broadcasting Corporation dahil puro raw replay.

Original host sa Happy Time sina Anjo Yllana at Kitkat Favia hanggang sa ipinasok si Janno Gibbs na nagkaroon naman sila ng problema.

Nawala sina Kitkat at Janno sa programa at pinalitan sila nina Boobsie at CJ Hiro na sa kalaunan ay ipinasok na rin si Dingdong Avanzado para makasama ni Anjo.

Hanggang sa nawala naman si Anjo dahil sa pagsusumbong nito tungkol sa may inumang nagaganap sa lock in taping ng Happy Time sa Philippine Arena.

Nagkagulo-gulo na silang lahat at ayon sa nakausap naming taga-NET 25, walang sinasabi sa kanila ang EBC management kung tsugi na ang Happy Time o baka inihahanda ang 2nd season.

“Sa ngayon po kasi, maraming mga ganap, busy pa sa finals ng ‘Tagisan ng Galing’ tapos may mga bagong shows po, so abala pa ang lahat. ‘Yung ‘Happy Time’ baka kasi may season 2,” paliwanag sa amin ng taga-NET 25.

Maraming mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo ang tumatangkilik sa programa lalo na’t nakakasali sila sa pakontes dahil nakatutulong ito sa kanila.

Mag-iisang taon na sana ang Happy Time sa Setyembre 2021 at sana nga magtuloy-tuloy pa ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …