Wednesday , December 25 2024

Mga bata, ok na kayo sa parke/beaches/pools pero…bakunado na ba sina tatay/nanay?

SA TUWING nagagawi tayo sa mga parke, isa rito ang Quezon (City) Memorial Circle ngayong panahon ng pandemya, para bang sinasabi ng mga duyan (swing), slides, bikes at iba pang laruang pambata, nasaan na sila?

Sino? Ang mga bata…yes, kung nakapagsasalita lang ang mga parke o ang mga palaruan/laruan. Tahimik ang mga parke, pawang alaala na lamang ang nasa isip kapag magawi ka rito. Nakami-miss ang mga ingay, tawanan ng mga bata, at mga magulang na walang tigil kasasaway sa makukulit nilang anak.

Ang tahimik nga ng mga parke, sadya ngang mga bata ang nagbibigay buhay at sigla rito. Bagamat hindi lang naman para sa bata ang mga parke pero ibang-iba kapag mayroon kang nakikitang naglalarong  mga bata…at iba rin ang dating kapag mag-picnic na may kasamang tsikiting.

Pero simula sa linggong ito, manunumbalik na ang saya sa mga parke…matutuwa na rin ang mga laruang pambata, at puwede rin naman sa mga may edad na.

Bakit? Maaari na kasing lumabas ng bahay ang mga bata, nasa edad 5-anyos pataas. Yes, puwedeng-puwede na sila sa outdoor activities. Paano nangyari iyon? Kasi po, pinayagan na ng  Inter-Agency Task Force (IATF) on CoVid-19 na makalalabas ang mga bata.

Pinahintulutan na ng IATF ang mga bata na makapagsagawa ng outdoor activities, non-contact sports at exercise. Pero tandaan ha, limang taon pataas lang ang puwede. Kaya tatay at nanay, huwag maging makulit ha. Hindi pa puwede si baby.

Parke lang ba ang puwede? Paano ang swmming? Uy, swimming daw o. Yes, puwede na rin… non-contact sports po ito kaya, ihanda na mga mga kailangan sa swimming… at maaari na rin makasama ang anak sa al fresco resto. Paano iyan, wala yatang al fresco ang mga kilalang food chains. E di maglagay.

Lamang, may mga kondisyon na masusunod ha. Siyrempre, huwag kalimutan ang health protocols para sa seguridaad ng lahat bukod sa sinasabing dapat ang kasamang guardian ng mga bata ay fully vaccinated. So, nanay, tatay, bakunado na ba kayo?

Sa Quezon City, itinakda ng LGU dito ang ilang open-air locations sa lungsod bilang “Child Friendly Safe Zones.” Sa memorandum ni QC Mayor Joy Belmonte, ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife ay kabilang sa mga pasyalan na idineklarang “Child-Friendly Safe Zones” maging ang  ilang city-owned parks na pinangangasiwaan ng Quezon City Parks Development and Administration Department (PDAD), kabilang ang mga pasyalan sa loob ng mga residential subdivisions.

Anang alkalde, inutusan din niya ang Quezon City Business Permits Licensing Department (BPLD) na magtakda ng Safe Zones, kabilang ang mga outdoor activity areas, swimming pools, tourist sites, al fresco dining o iba pang open air areas sa mga mall at iba pang commercial establishments.

Ang hakbang  ng QC-LGU ay alinsunod na rin sa panawagan ng UNICEF Philippines sa local governments na payagan na ang mga batang makapaglaro at makapagsagawa ng sports at exercise sa outdoor areas, para na rin sa physical at mental well-being kahit ngayong CoVid-19 pandemic.

Sa memorandum, tinukoy ang limang taong gulang pataas ay maaaring pumasok sa safe zones ngunit dapat na may kasamang fully-vaccinated adult guardian.

Pero anytime, maaaring irekomenda ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang pagbawi o rebokasyon o modipikasyon ng designasyon ng lokasyon bilang Child-Friendly Safe Zone sakaling magkaroon ng malawakang paglabag sa health protocols o kung magkaroon ng CoVid-19 outbreaks at agad din sususpendehin ng alkalde ang operasyon ng zone kung ang lokasyon nito ay isasailalim sa Special Concern Lockdown.

O mga bata, masaya na ba kayo? Puwede na kayo sa mga parke, outdoor swimming, al fresco dining at iba pang outdoor activities pero non-contact activities/sports. Lamang, sinasabing kailangan mayroon kayong kasamang fully vaccinated adult guardians.

So, ang buhay ninyong mga bata na gusto nang lumabas ay nasa magulang /guardians ninyo pa rin…yes, kailangan ay fully vaccinated na sila.

ni Almar Danguilan

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *