FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
HALOS isang taon mula nang magbukas ang Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5, napagsama nito ang dalawang magkaibang henerasyon ng news, entertainment, music, at pop culture sa isang natatangging radio program. Mula sa pagbabago sa tunog ng FM radio, ang programa ay sabay na sinusubaybayan ng mga millennial sa pamamagitan ng “Queen of FM Radio” na si DJ Chacha, at ng mga “milleniors” (mga senior na marunong makisabay sa mga millennial) na kinakatawan naman ng isa sa mga tinaguriang media legends sa bansa, si Ted Failon.
Hatid ng Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5 ang komprehensibong talakayan ukol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng karamihan. Tampok ang mga nagbabagang balita mula sa Radyo 5 Network News, at mga makabuluhang talakayan kasama ang mga newsmaker sa Think About It.
May mga segment din ang programa na kasama ang mga eksperto sa kani-kanilang mga larangan, tulad ng The Daily Brad Devotions kasama si Pastor Jeff Eliscupidez, Legal Basis kasama si Dean Mel Sta. Maria, at ChinkTime kasama si Chinkee Tan.
Tampok naman sa Good Morning, Lodi! ang mga usapang showbiz, musika at iba pa. May mga masasayang palaro rin na nagbibigay papremyo sa mga tagapakinig sa Hula Hits, Kaninong Boses Ito?, Show Me, at Make Us Laugh.
Simulan ang inyong umaga kasama ang dalawang magkaibang henerasyon na magbibigay kulay sa inyong araw. Kahit saang henerasyon ka man kabilang — mapa-millennial ka man o “millenior” — siguradong busog ang pakikinig mo sa one-of-a-kind radio format ng programang kukompleto sa iyong umaga.
Abangan ang tambalang Ted Failon at DJ Chacha simula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo5 92.3 News FM, matutunghayan din sa sa One PH Ch. 1 at live rin sa Facebook page ng Radyo5PH at YouTube ng News5Everywhere.