FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
ANG pagsasanib-puwersa ng Star Music, Polaris, at A Team, na pinamamahalaan ng multi-awarded singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay naging posible para sa mga inaabangang performers at hosts sa bakuran ng Star Magic. Ang pinakamalaking talent management agency sa bansa ay patuloy ang paghahatid ng mga pinakamahusay sa industriya sa pamamagitan ng Star Magic Black Pen Day event noong June 19.
Sa patuloy nilang paghahanap ng mga bago, unique, at most promising singers, tampok ang bagong singers ng Star Music na sina Sab at Recio.
Hindi pa rin makapaniwala si Sab na ang kanyang audition para sa Star Music noong siya ay 15, ang magiging daan para maging Star Magic newbie. Bukod sa pagkanta at pagtugtog ng ukulele, isa rin siyang song writer. Siya ay nag-release ng tatlong singles noong July 2020 sa ilalim ng Star Music at humakot ng maraming views sa pag-cover ng mga hit song, kabilang na ang theme song ng He’s Into Her.
Ngunit, isa sa kanyang biggest milestone ngayon ay na-feature ang kanyang original na kantang She sa award-winning K-Drama na Flower of Evil. Bago iyon, ginamit ang kanyang kanta sa BL series na Hello Stranger.
Marami man siyang gustong makatrabaho, ibinahagi ni Sab na karamihan ay singer-songwriters tulad nina Jayda at Kyle Echarri, at iba pa.
Para naman sa singer-songwriter na si Recio, ang pagiging parte ng Star Magic at Star Music ay parehong humbling at inspiring experience. Inaasahan niyang makakukuha ng maraming opportunities at mahasa ang kanyang kakayahan ng mga mahuhusay sa industriya. Umaasa ang baguhang singer na maging inspirasyon ang kanyang kanta at makapaghatid ng mensahe sa malaking audience mula ngayon.
Lumaking mahiyain si Recio kaya ibinabahagi niya ang pagsusulat ng kanyang kanta sa kanyang mga close friend para mai-express ang sarili. Ngayon ay confident at handa na sa kanyang live performances kapag tapos na ang pandemya. In the future, umaasa ang Psychology student na ang kanyang kanta ay magiging bahagi ng coming-of-age film.
Sa pamumuno ni Ogie, ang A-Team talents ay bahagi na rin ng Star Magic. Abangan ang mas maraming malalaking produksiyon, creative music, at different kinds of genre na mapapanood soon.