FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
KUNG natuloy siguro sa pag-aartista si Pasig Mayor Vico Sotto ay malamang si Janine Gutierrez ang ka-love team niya dahil mga bata palang ay nakitaan na sila ng chemistry.
Yes, magkasama sa school play na hindi binanggit ni Lotlot de Leon kung saan nag-aral ang dalawa, pero sa pagkakaalam namin ay sa St. Paul Pasig ang dalaga.
Anyway, ipinost ni Lotlot ang mga larawang kuha sa play na mga bata pa sina Vico at Janine.
Ang caption ng mommy ng dalaga, ”Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng Pasig. Janine and Mayor Vico.
“Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan! nakaka proud talaga! Hi babe! @janinegutierrez.”
Unang nag-react ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz na tawang-tawa.
Sinagot naman ito ni Lotlot ng emoji hearts at smiling emojis.
Maging si Mayor Vico ay natawa rin at nag-post ng smiling emojis.
Sabi ni @ms.lotlotdeleon, ”@vicosotto Mayor, proud of you! (clapping hands emojis).
Say naman ni Mayor Vico, ”Thank you Tita @ms.lotlotdeleon ! Last appearance ko po bilang artista ‘yung play na to.”
At sagot ni Lotlot, ”@vicosotto awwww heheh. stay safe and healthy! God bless you always!”
Hayan humirit na si @sidney_pablico, ”@vicosotto bagay din kayo ni @janinegutierrez as love team Mayor @vicosotto.”
Anyway, maraming supporters si Janine na natuwa sa post na ito pero marami pa ring humirit ng larawan nila ni Rayver.