FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
KASALUKUYANG nasa Houston, Texas USA ang baguhang aktres na si Cloe Barretto para damayan ang amang maysakit at nag-aaral din siya roon.
Excited si Chloe sa una niyang pelikulang siya ang bida, ang Silab na idinirehe ni Joel Lamangan at kapareha niya sina Marco Gomez at Jason Abalos produced ng 3:16 Productions at distributed ng Viva Films.
Base sa press release, nakitaan ng husay sa pag-arte si Cloe sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbidahan naman ni Sean De Guzman na hawak din ni direk Joel kaya kaagad siyang binigyan ng bidang pelikula na isinulat naman ng award winning actress and screenwriter na si Raquel Villavicencio.
Anyway, flattered si Cloe dahil ikinompara ang pag-arte niya ni direk Joel sa premyadong aktres na si Jaclyn Jose kaya hiningan siya ng reaksiyon sa nakaraang virtual mediacon nito kamakailan.
“Sobrang na-shock po ako kasi parang siyempre po baguhan tapos nakompara ako sa batikan na at hindi ko po ma-explain ang feeling noong malaman ko,” sagot ng dalaga.
Sa tanong kung ano ang natutuhan niyang aral pagkatapos niyang gawin ang Silab bilang baguhang artista.
“Sobrang dami po, katulad paano makihalubilo (sa lahat). Kasi po lock in taping po kami and, first time ko po silang nakasama and hindi po talaga ako (sanay) sa maraming tao. So, isa po sa natutuhan ko kung paano makiharap ng tama, paano makisama,” say ng dalaga.
Mahiyain pang sumagot si Cloe sa mediacon pero mapangahas sa kanyang karakter sa Silab na tinuhog niya ang dalawang lalaki sa buhay niya, ang asawang si Jason at kabit na si Marco.
Mapapanood ang Silab simula Hulyo 9 sa Vivamax kasama ang Middle East. Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon, Jim Pebanco, at Chanda Romero.