Friday , November 15 2024

Nang-indiyan si Mang Kanor

NAGPASABI si Rodrigo Duterte sa pamilya ng namayapang Benigno Aquino III na pupunta siya sa lamayan ng Ateneo University, kung saan nakalagak ang abo ng dating pangulo ng bansa noong ika-25 ng Hunyo. Wala silang binanggit na oras sa pagdating ni Duterte, ngunit sinabi na kapag “wala nang tao.”

Hanggang ika-sampu lamang ng gabi ang public viewing kaya naghintay ang mga magkakapatid na Aquino at iba pang kaanak kahit lampas na ng hatinggabi, o dumating na ang sumunod na araw. Kagandahang asal ang maghintay sa tila baliw na pangulo. Hindi salat ang magkakapatid na Aquino dahil pinalaki sila ng mga magulang na sina Ninoy at Cory Aquino sa maayos na pamumuhay at kagandahang asal.

Hindi dumating si Duterte sa itinakdang pagbisita. Sa huli, hindi siya nagpasabi kung darating o hindi. Basta hindi dumating. Hindi namin batid kung ganito talaga ang ugali ng mga taga-Davao City o sadyang si Duterte lang ang salat sa kagandahang asal. Mapapansin ang kabastusan ng sanggano sa Davao City. Nang-indiyan si Mang Kanor nang walang dahilan, sabi ng mga netizen.

Mukhang hindi gusto ni Duterte na may masabi ang China sa pagbisita sa labi ng pangulo na tumayo at lumaban sa usapin ng pangangamkam sa West Philippine Sea. Si PNoy ang nagdala ng usapin sa Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanalo ang Filipinas noong 2016 sa sakdal na iniharap sa Commission. Hindi pinahalagahan ng desisyon ang pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea sa ilalim ng ‘pinagtatawanan na teoryang Nine-Dash Line.’ Pinanghahawakan ng international community ang desisyon bilang susi ng malayang paglalayag sa South China Sea.

Hindi makapalag ang China dahil sa sakdal na iniharap ni PNoy sa Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS.  Hindi gusto ni Duterte na sinasang-ayonan niya ang desisyon ni PNoy na isakdal ang China at nanalo.

***

KATAPUSAN ng buwan ngayon at bukas, sa wakas, magsisimula ang pangalawang bahagi ng 2021. Isang taon na lang at susumpa ang susunod na pangulo ng bansa. Hanggang ngayon, hindi alam kung nagdesisyon na si Leni Robredo kung tatakbo sa panguluhan sa 2022. Wala pa siyang desisyon at patuloy na naghihintay ang mga panatikong tagahanga kung sasabak o hindi si Leni sa halalan sa 2022.

Hindi makatwiran na paghintayin ni Leni ang mga kakampi. Kawalan ito ng kagandahang asal at paggalang sa kanila. Hindi namin alam kung batid ni Leni na nakasalalay ang kapalaran ng oposisyon sa kanyang desisyon. Siya kasi ang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon kahit patuloy na bumababa ang kanyang tayo sa mga nakalipas na survey.

Kung hindi siya tatakbo sa panguluhan na malamang mangyari batay sa kanyang mga huling pahayag, maiging sabihin niya kaagad upang makapaghanda ang oposisyon sa laban sa 2022. Hindi tama ang estilo niya na paasahin ang mga kakampi. Igalang niya ang mga kakampi kahit magbigay siya ng hudyat sa hindi pagtakbo.

Wala siyang pinapatunayan kung hindi siya makapagdesisyon. Mukhang kulang siya sa dibdib sa laban. Mahina ang loob at mukhang takot sa batuhan ng putik sa politika. O may hawak sa kanya ang pangkat ng Davao City na alam naman natin na marumi maglaro.

***

Naisulat ko ang sumusunod tungkol sa mga taong mahina ang loob. Pakibasa:

 After four decades in political journalism, I’ve encountered politicians, who were undecided on many issues they had in the exercise of their politics. I’ve seen how they grappled with their better judgment and conscience on how they would resolve their issues. I could live with people, who were undecided on many issues. But I’ve learned to abhor those who were indecisive. I could live with people who were undecided, but not those who were indecisive. Indecisive guys are pains in the ass. They lack the vision, judgment, and rationality to deal with their politics. They have no respect for their supporters, whom they keep on waiting for a rational judgment. Shame on them.

***

HINDI kami sang-ayon sa plano ng gobyerno na armasan ang sibilyan bilang paglaban sa krimen. Pampatapang lang ang baril. Hindi ito mabisang pangontra sa krimen. Nananalig kami na paraan lamang ito upang magkaroon ng sariling private army ang grupong Davao City para sa halalan.

Walang tatalo sa pagpapasigla sa ekonomiya bilang panlaban sa karahasan. Mas maiging gamitin ang pambili ng armas upang pasiglahin ang kabuhayan ng bansa. Hindi namin alam kung batid ito ng mga bright boys ng gobyerno.

BALARAW

ni Ba Ipe

About Hataw Tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *