Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manay Lolit inilaglag si Aiko

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


NAGPAKATOTOO
ang talent manager na si Manay Lolit Solis na ang boto niya para sa darating na eleksiyon ay para kay Konsehal PM Vargas, kakandidatong kongresman sa Distrito 5 ng Quezon City. Si Konsehal PM ay kapatid ni Alfred Vargas, kasalukuyang kongresista at siya ang showbiz manager nito.

Kaya nasabi ito ni Manay Lolit ay dahil kakandidato rin ang aktres na si Aiko Melendez sa parehong distrito at makakatunggali niya si Konsehal PM.

Ang buong post ni Manay Lolit, ”Bongga pala ang maglalaban sa distrito ko sa QC Salve. District 5 pala ang tatakbuhan nila PM Vargas at Aiko Melendez. WOW!

“Pareho kong kilala, pareho din malapit sa puso ko. Palagay ko sinuman manalo sa kanilang dalawa, gaganda lalo ang District 5, lalo pa at si Mayor Joy Belmonte ang mananalong Mayor.

“Pero matagal na akong committed kay Alfred Vargas na susuporta sa kanyang kapatid na si PM pag tumakbo sa mas mataas na posisyon. Pareho kong mahal sila Aiko at PM pero nauna na ang promise ko kay Alfred so sinuman manalo sa kanilang dalawa buong puso kong tatanggapin dahil alam ko na ang paglilingkod ang nasa puso nila.

“Hindi talaga maiiwasan ang paghaharap na ganito sa pulitika, magkaibigan na magiging magkalaban, pero pagtapos ng eleksiyon, friends uli silang lahat. Best effort talaga ang ibibigay nila sa District 5 dahil maraming nagawa si cong Alfred Vargas dito kaya dapat higitan ng sinuman papalit sa kanya ang nagawa niyang trabaho. Sinuman manalo kila PM at Aiko, sana lalo pang gumanda ang distrito namin na talaga naman ang husay ng pagkuha ng basura, ang bilis ng pag aayos ng mga kalye, at talagang bawat barangay matindi ang panawagan sa bakuna. Goodluck kay Aiko Melendez.

“Pero ang boto ko nabigay ko na kay PM Vargas. Sinuman manalo sa inyo g dalawa, for the good of QC, at siyempre para sa Mayor ko na si Joy Belmonte. Uwian na, may mga winner na. Joke joke joke. #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako.”

Nagkomento naman si Aiko sa post na ito ni Manay Lolit, ”maraming salamat po Nay Lolit, naiintindihan ko po kayo and hindi kop o nakikita na kalaban si Coun PM dahil alam kop o mahusay  din niyang gagawin ang kanyang best sa pagserbisyo po.  Pareho lang ang common goal namen ni Konsi po, magserbisyo sa tao at kung sino man ang papalarin po sa amin alam kop o di magkukulang sa pagtulong po sa dist 5. God bless you ‘nay Lolit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …