Saturday , November 16 2024

2 sa Nueva Ecija, 1 sa Tarlac, tiklo sa PRO3 PNP (Most wanted sa CL nalambat sa manhunt ops)

NALAMBAT ang dalawang mula sa lalawigan ng Nueva Ecija at isa sa lalawigan ng Tarlac na pawang mga pugante at kabilang sa listahan ng mga most wanted ng mga awtoridad nitong Lunes, 21 Hunyo, sa pinaigting na manhunt operation ng PRO3-PNP sa magkahiwalay na lugar sa rehiyon.

Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, naaresto ng mga kagawad ng Palayan City Police Station ang suspek na kinilalang si Freddie Domantay, 40 anyos, construction worker, top 2 most wanted ng lungsod ng Palayan, residente sa Brgy. Marcos Village, sa nabanggit na lungsod, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na nilagdaan ni Presiding Judge Lody Tancioco, ng Palayan City RTC Branch, walang inirekomendang piyansa.

Dinakma Rin ng mga operatiba ng Laur Municipal Police Station ang puganteng si Noel Sarmiento, 48 anyos, may asawa, magsasaka, residente SA Brgy. 1, sa bayan ng Laur, isa sa mga most wanted ng nasabing bayan, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na nilagdaan ni Presiding Judge Emelita Miranda Portillo, ng Palayan City RTC Branch 7-FC na may petsang 14 Hunyo 2021 at may itinakdang piyansang P180,000.

Sa lalawigan ng Tarlac, kinordon nang makompirma ng mga kagawad ng San Manuel MPS, PSOTG-Tarlac PPO, QCDIT MDIT, RIU NCR at RMFB NCRPO, sa ilalim ng superbisyon ni P/Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac PPO, ang pinagtataguan ng suspek na kinilalang si Armando Parinas, 31 anyos, binata, ng bayan ng San Manuel, lalawigan ng Tarlac, top 8 most wanted ng National Capitol Region, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na nilagdaan ni Presiding Judge Felicitas Laron Cacanindin ng Manila RTC Branch 17, may petsang 5 Marso 2021, walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng suspek.

“Once again, I commend PNP-PRO3 men and women for another successful manhunt operation to bring MWPs to the fold of justice and answer their crimes committed. The continuous arrest of wanted persons is also anchored on the intensified cleanliness policy of the C/PNP P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar,” pahayag ni P/BGen. Valeriano De Leon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *