FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
MALAKI ang nabago sa pagkatao ni Sofia Andres simula nang ipanganak niya si Zoe na may isang taon at kalahati na.
Sa virtual mediacon ng La Vida Lena ay naikuwento ng aktres na katuwang niya ang boyfriend na si Daniel Miranda sa pagpapalaki ng kanilang anak.
“Ang daming changes. Ang laki ng pagbabago ko as tao, as nanay, as partner. Nakita ko ‘yung sarili ko, parang I’ve become a better person and I’ so proud of myself.
“Lumaki ‘yung pag-unawa ko. Parang iba kapag nanay na eh. Nandoon ‘yung alaga sa anak. Hindi lang sa anak, sa ibang tao, masyadong motherly ang thinking, ganyan.”
Sa nasabing teleserye ay kontrabida ang karakter niya kaya natanong kung hindi ba siya nag-aalala na baka matatakan na siyag kontrabida for life.
Sagot niya hindi siya nag-aalala dahil dati naman na siyang gumaganap na kontrabida
Ang La Vida Lena ay pagbibidahan ni Erich Gonzales at makakasama rin sa cast sina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman.
Ang serye naman ay idinirehe nina Jojo Saguin, Andoy Ranay, at Jerry Lopez-Sineneng.
Mapapanood na ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas sa June 28.