Tuesday , November 5 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Biyaheng Manila-Boracay, 5 beses araw-araw (Recovery efforts suportado ng Cebu Pacific)

HANDA ang Cebu Pacific na suportahan ang domestic recovery ng industriya sa tulong ng malawak na domestic network nito at patuloy na CoVid-19 vaccination roll-out sa bansa.
 
Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.
 
Simula nitong Lunes, 21 Hunyo, magkakaroon ng limang flight patungong Boracay araw-araw, habang araw-araw na rin ang flight patungong Bohol.
 
“We remain cautiously optimistic as we prepare for the bounce back and will do everything that is within our control to support and aid that. With the arrival of more vaccines and the pace at which vaccines are being rolled out, we are hopeful that in due time our networks will recover to pre-pandemic levels,” ani Candice Iyog, Cebu Pacific vice president for marketing and customer experience.
 
Sa kanilang ulat noong 18 Hunyo, sinabi ng International Air Transport Association (IATA), ang operation ng carriers ay mananatiling nakadepende sa domestic travel market sa gitna ng nagbabagong travel restriction dahil sa patuloy na pagbabakuna ng mga bansa kontra CoVid-19 sa kanilang mga populasyon.
 
“Over the last months, the recovery of air passenger demand has been mainly driven by domestic markets that have mostly remained unaffected by travel restrictions. In the meantime, international travel was restricted by most countries and governments are only starting to relax those restrictions as they vaccinate their populations and stabilize the epidemiological situation. Our expectation is that in the near future, airlines’ operating conditions will be determined by two factors: (1) the availability of domestic markets that they can rely on and (2) the progress in vaccinations in the main countries in their networks,” pahayag ng IATA.
 
Dagdag ng IATA, kalimitang ang airlines sa mga bansang sakop ng Asia Pacific at South America ay mayroong malalaking domestic markets ngunit mabagal ang vaccination turnout.
 
Tanging ang Cebu Pacific ang airline sa mga kompanya sa bansa na tinipon upang matulungan ang pamahalaan sa kanilang pandemic relief efforts sa ilalim ng programang “Ingat Angat.”
 
Hanggang noong 17 Hunyo, nakapaghatid na ang Cebu Pacific ng anim na milyong CoVid-19 doses mula China, kabilang ang higit sa 1.4 milyong doses na inilipad patungo sa 15 lalawigan sa Filipinas.
 
Nakapagtala ang Cebu Pacific ng 7/7 stars sa airlineratings.com para sa pagsunod nito sa CoVis-19 safety protocol at sa pagpapatuloy nito sa multi-layered approach para sa ligtas na pagbibiyahe, alinsunod sa global aviation standards.
 
Kabilang dito ang contactless procedures, masusing paglilinis at disimpektasyon ng lahat ng mga eroplano at mga pasilidad, pagsusuot ng facemasks at face shields ng mga psahero at crew, at Antigen testing para sa mga frontliner ng airline bago ang kanilang duty.
 
Higit sa lahat, ang lahat ng aircraft ng Cebu Pacific ay nilagyan ng hospital-grade HEPA filters na may 99.99% efficacy, na mabisang pumipigil sa mga virus. (GMG)
 

About G. M. Galuno

Check Also

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *