Sunday , December 22 2024

Online registration sa Comelec iginiit ng Solon

IGINIIT ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na baguhin ng Commission on Elections (Comelec) ang patakaran sa pagpaparehistro ng mga botante sa susunod na eleksiyon at gawing online.

Ayon kay Rodriduez maaari rin itong gawin sa filing ng certificates of candidacy ng mga kandidato sa Oktubre 2021.

“Let us allow the youth who are already 18 years old or will be 18 years old on election day May 9, 2022 to register online and also those voters who were delisted for failure to vote in 2 successive elections to reactivate their status as voters also online. They cannot personally go to the offices of the Comelec because of the risk of getting infected by the highly contagious new coronavirus,” ani Rodriguez.

“In most if not all provinces, cities and towns, Comelec offices are too small to accommodate many candidates and their supporters. It would be impossible for them to observe physical distancing in these workplaces,” paliwanag ng mambabatas.

Aniya, dapat payagan ng Comelec ang mga bagong botante na makapag­rehistro online dahil malapit na ang deadline sa 30 Setyembre 2021.

Ayon sa kongresista, ang supporting data kagaya ng biometrics ay maaaring isumite personal sa Abril 2022.

“Otherwise these young voters will be disenfranchised.

“We could ask them to come personally for their biometric data later when the health situation improves, when most of our people have been vaccinated or when the government has achieved herd immunity which it projects to be achieved in the 1st Quarter of 2022, so there would be less risk of getting the virus,” aniya.

Sa pagdinig sa Kamara nitong Huwebes, sinabi ng mga taga-Comelec na pagdedesisyonan pa nila kung papayagan ang online registration at paghahain ng certificates of candidacy.

Wala, anila, silang pondo para rito.

Ayon sa Comelec dapat “personal appearance before Comelec offices” alinsunod sa batas.

“But the Comelec has to do these online now because of the pandemic. The law and regulations have to adapt to the present emergency situation. Let us do online registration and online filing of certificates. Let us see who will question it. I am sure the courts are aware of the situation because they are also adjusting to it,” giit ni Rodriguez.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *