Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May vaccine at wala paghihiwalayin

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata


NAKATATAWA 
at mukhang walang masabi itong si Presidential adviser for entrepreneurship Adviser Joey Concepcion sa mungkahing paghiwalayin o magkaroon ng segregation ang mga nabakunahan na at hindi pa sa lahat establisimiyento upang maiwasang mahawa pa ang mga nabakunahan na.

Parang walang katuturan ang mungkahing ito ni Concepcion dahil bago ‘yan ay unahin muna ng Department of Transportation (DOT)  ang magsakay ng mga pasahero na wala pang bakuna at maging ang mga pumapasok sa mga malls, public market o ‘yung mga lugar na congested.

Pulungin muna lahat ng mga nagmamay-ari ng negosyo na ipabakuna na ang kanilang mga empleyado. Maging sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng LGUs, mga nagbabayad ng kanilang business tax o working permits, dapat ‘pag ‘di pa nababakunahan huwag nang papasukin dahil ‘di naman nagpapabaya ang LGUs sa pagkakaloob ng libreng bakuna.

Ang problema ay may mga tao talaga na ayaw magpabakuna! Dapat siguro ay magsilbing ID ang mga card na sumailalim na sa vaccine ang isang tao bago hayaang makapasok sa isang establisimiyento at hindi na kailangan ang segregation.

Halimbawa sa comfort rooms puwe­deng magkita-kita ang may vaccine at no vaccine!

Sana maka­pagsalita para malaman na nagtatrabaho, pag-isipan muna ni Concepcion ang sasabihin dahil nakatatawa!

 

RICHARD GORDON FOR PRESIDENT?

Sa Olongapo City, marami akong nakapanayam, ayaw na nila sa Gordon. Noong naging Meyor daw ang anak nitong si Bryan, sinira nito ang iniwang legacy ng matan­dang  Gordon.

Kaya posible na sakaling matuloy ang pagkandidato ni Richard Gordon sa pagka­pangulo, lumitaw sa sarili niyang siyudad ay olat siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGADni Almar Danguilan ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …